Gerald Anderson gushes over Bea Alonzo-Aga Muhlach movie

IMAGE Nerisa Almo

Gerald Anderson can't contain his excitement for the upcoming Bea Alonzo-Aga Muhlach movie, First Love: "Nakaka-excite! Ang ganda, ang ganda ng movie! Sabi ko sa kanya, naiinggit ako sa kanya kasi nakakasama niya si Aga Muhlach. E, pangarap ko rin yun."


Excited at todo suporta si Gerald Anderson sa pelikulang First Love kung saan katambal ng girlfriend niyang si Bea Alonzo ang batikang aktor na si Aga Muhlach.

Ayon nga kay Gerald, nasa bucket list niya na makasama sa isang proyekto si Aga, at masuwerte ang kasintahan na nakatrabaho nito ang aktor.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si Gerald sa nakaraang signing ng memorandum of understanding sa pagitan ng Armed Forces of the Philippines at ABS-CBN nung nakaraang October 10 na ginanap sa Civil Relations Service building ng Camp Aguinaldo, Quezon City.

Lahad niya, “Nakaka-excite!

“Ang ganda, ang ganda ng movie!

“Sabi ko sa kanya, naiinggit ako sa kanya kasi nakakasama niya si Aga Muhlach.

“E, pangarap ko rin yun.

“Masasabi ko na mayroon tayong dalawang malaki at magagaling na artista sa isang pelikula.

“Very sure di palalagpasin ng mga tao yan.

“Ako yun talaga, sinabi ko sa kanya, 'Wow, ang suwerte mo makakasama mo si Aga Muhlach!

“Sa abroad pa sila nag-shooting, sa Canada, sa Vancouver.

“At least iba ang mapapanood ng mga tao.”

PARTNERSHIP

Gaganap si Gerald bilang sundalo sa upcoming project na Take Life ng ABS-CBN.

Masaya si Gerald na nagkapirmahan na ng memorandum of understading sa pagitan ng AFP at ABS-CBN.

Unang-una, malaki raw ang maitutulong ng AFP sa pag-train ng mga aktor para mas lalo pang maging realistic ang portrayal nga mga ito sa kanilang mga military roles.

Pangalawa, malaki naman ang maitutulong ng ABS-CBN sa pagbigay ng mas realistic at makabuluhang portrayal ng mga buhay ng mga sundalo at iba pang miyembro ng hukbong militar sa mga programa nito.

“Siyempre sobrang saya, kasi matagal din kaming naghintay.

“Nag-stop taping kami kasi sa nakita niyo, importante talaga iyo.

“Happy kaming lahat kasi nakuha na namin ang full support ng AFP para suportahan tayo sa Take Life and The General's Daughter.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“It's an agreement between ABS, of course, tapos AFP na magsusuportahan tayo para sa shows tapos bibigyan natin sila ng magaganda at totoong kuwento,” pagmamalaki niya.

Kasama rin sa contract signing si Angel Locsin na representative ng seryeng The General's Daughter, pati na rin si Direk Lauren Dyogi (Entertainment Head ng ABS-CBN).

Nakita na raw ni Gerald ang trailer ng Take Life at The General's Daughter at promising daw ang dalawang upcoming serye ng ABS-CBN

Saad niya, “First time ko lang narinig yan, mas lalo akong excited.

“Nai-inspire kasi kami nung sinu-shoot namin, ang sabi ko sa sarili ko, 'Parang maganda ito ah.'

“Wala pa kaming nakukunan na military scenes, pero yung usap-usap lang ng pamilya, yung mga ganun.

“Pero iba, iba yung vision ni Direk Richard Somes, para siyang film para sa TV.”

Malapit sa puso ni Gerald ang mga sundalo.

Hindi lingid sa kaalaman ng marami na isa siyang lieutenant ng Philippine Coast Guard.

At dahil nga rito ay mas naging kampante siya sa bagong partnership na nabuo ng Kapamilya network sa AFP.

Aniya, “Tuluy-tuloy na yung start ng training namin, kasi nga okay na kami with the AFP.

“Alam naman ng marami na malapit sa puso ko ang military.

“Excited ako kasi alam ko ang mga pinagdadaanan nila, kung ano ang kuwento nila, kung ano ang kuwento ng mga pamilya nila.

“Dito nila mapapanood sa Take Life.”

Una nang gumanap si Gerald bilang militar sa seryeng Tayong Dalawa.

Pero siniguro naman ni Gerald na malayo ang istorya ng Tayong Dalawa sa Take Life.

Pagkumpara niya, “Iba yung Tayong Dalawa na hanggang ngayon, di pa rin makakalimutan ng military kasi marami ang sumali sa PMA dahil sa show na yun.

“Sana itong Take Life magkaroon kami ng ganung effect sa tao.

“Story-wise, magkaiba siya dahil ito, mas focused talaga siya sa sundalo at kung ano ang mga pinagdadaanan nila para sa bansa at yung pamilya nila.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN