Sharon Cuneta, Ogie Alcasid, other Kapamilya stars welcome Regine Velasquez to ABS-CBN

IMAGE @reallysharoncuneta / @reginevalcasid on Instagram

Sharon Cuneta (left) and Ogie Alcasid (right) are the first Kapamilya stars to welcome Regine Velasquez to ABS-CBN.


Matapos makumpirma ang paglipat ni Regine Velasquez sa ABS-CBN, sunud-sunod na pagbati ang natanggap nito mula sa mga Kapamilya stars.

Hindi pa man nakakapirma ng kontrata si Regine, sasabak na ito agad sa ASAP. 

Kabilang si Regine sa mga special guests na magpe-perform sa ASAP Live in Sydney na gaganapin sa October 20 sa ICC Theater sa Sydney, Australia.

Ang ASAP ang Sunday noontime variety show ng Kapamilya network, na minsan na ring nakalaban ng mga dating programa ng GMA-7 gaya ng SOP, Sunday PinaSaya, at Sunday All Stars.

Isa na sa mga nangunang mag-welcome kay Regine ay si Megastar Sharon Cuneta.

Sa kanyang Instagram post kahapon, October 13, hindi napigilan ni Sharon ang excitement sa pag-welcome kay Regine. 

Mensahe nito para sa Asia's Songbird, "My Songbird and I now live in the same HOME!!! Woohoo!!!!!!!!! Welcome, my Regine!!!!!!!!"

Ang asawa ni Regine na si Ogie Alcasid ay na-excite din na makasama sa ASAP ang kanyang asawa.

Post nito sa Instagram, "#excited God bless mahal @reginevalcasid."

View this post on Instagram

#excited God bless mahal @reginevalcasid

A post shared by Ogie Alcasid (@ogiealcasid) on

KAPAMILYA ARTISTS

Hindi naman napigilan ng ilang Kapamilya stars na mag-iwan ng komento nang i-post ni Regine ang promo photo nito para sa ASAP Live in Sydney sa kanyang Instagram account.

View this post on Instagram

See you guys in Sydney ❤️ #AsapinSydney

A post shared by reginevalcasid (@reginevalcasid) on

Kabilang dito sina Kim Chiu, Angeline Quinto, at KZ Tandingan na makakasama ni Regine sa ASAP Live in Sydney.

Comment ni Kim, "yazzzzzz queen!!!!!! [five star emojis]"

Mensahe naman ni Angeline sa kanyang idolo, "Magandang umaga po sa aming reyna [smiley emoji] [heart emojis] [heart eye emojis] I love you idol. heart emojis] [heart eye emojis]."

Ang komento naman ni KZ, "YAAAAAAAAAAS!!!! [crying emojis] [heat emojis]."

IMAGE Screengrab from Instagram

KAPUSO STARS

Ilang Kapuso stars naman ang nagpahayag ng suporta kay Regine.

Sa comments section ng post nito, nag-iwan si Carla Abellana ng tatlong puso.

Samantala, aminado naman si Jerald Napoles na mami-miss nito so Regine bilang Kapuso ngunit buo ang suporta nito para sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Komento pa nito, "Mamimiss kita ate!! Pero push!! Ingat lage and GODBLESS!!! See u soon. <3"

 IMAGE Screengrab from Instagram

Kasalukuyang nasa California, U.S.A. ngayon si Regine at si Ogie para sa kanyang R30 USA TOUR.


ABOUT THE AUTHOR

Nikko Tuazon is a lifestyle writer with a strong interest in pop culture, fashion, beauty, and music. Connect with him on Instagram at @mrnikkotuazon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN