Gladys Guevarra recalls being bashed for supporting President Duterte

IMAGE Courtesy: Gladys Chuchay Guevarra on Facebook

Gladys Guevarra, a Duterte supporter, to bashers: "At kung napapansin ninyo, sa mga hate messages ninyo, minsan parang mas wala kayong laman."


Viral ngayon ang Facebook post ng singer-comedienne na si Gladys Guevarra tungkol sa kanyang biro dati na sinusuportahan niya si Pangulong Rodrigo Duterte dahil nakatanggap diumano siya ng samu’t saring panglalait.

Rebelasyon ni Gladys, kahit na tinawag siya ng kung anu-anong masasakit na salita, ipinagkibit-balikat lang niya ito.

Pahayag niya sa kanyang Facebook post noong October 11, “Nakakatawa yung mga comment dati nung nag post ako ng joke and sinabi kong Duterte supporter ako.

“Ang mga comment, 'Laos ka na kase!' 'Umeepal, kase baka mabigyan ng pwesto kagaya ng bobong si Mocha!' 'Hindi ka nakakatawa!' 'Bobo ka!' 'Mahihina kokote nyong mga Dutertards!' 'Mga walang laman ang utak!' And so on.”

Patuloy niya, “Una, napaka tahimik po at maayos ang buhay ko para mangarap na magka puwesto sa gobyerno.

"Pangalawa, hindi ko naman po sinabing sikat ako.

"Pangatlo, hindi ko naman sinabi na graduate ako at Summa Cum Laude ako at napaka talino kong tao."

Sa huli, sinabi ng komedyana na dapat magkaroon ng respeto sa isa’t isa ang lahat sa kabila ng pagkakaiba sa pananaw at saloobin sa buhay at sa lipunan.

Sabi ni Gladys, “Bilang indibiduwal, boses ko po itong sinasabi ko ang saloobin ko, dahil citizen din ako ng Pilipinas.

"At ikaw na nagsalita ng mga masasakit sa akin, pwede? Respeto lang po talaga.

"At kung napapansin ninyo, sa mga hate messages ninyo, minsan parang mas wala kayong laman.

"May Presidenteng nakaupo, sumunod nalang kayo, kayo rin nagpapabagal ng pag unlad natin pare-pareho eh. Just saying."


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN