Lito Lapid eyes senate comeback, son Mark Lapid to run for mayor

IMAGE Courtesy: @tinapperez on Twitter / ABS-CBN News on Facebook

Lito Lapid and son Mark Lapid's characters in Ang Probinsyano may soon be killed off when campaign period starts. 


Muling susubukan ng Ang Probinsyano actor at dating senador na si Lito Lapid na makakuha ng puwesto sa Senado.

Ngayong Lunes, April 15, naghain ng kanyang certificate of candidacy (COC) si Lito sa tanggapan ng Commission on Election (COMELEC) sa may Intramuros, Manila.

Hindi nagpaunlak ng panayam ang aktor sa media.

Si Lito ay naging senador ng dalawang termino mula 2004 hanggang 2016.

Sinamahan siya ng anak at kapwa Ang Probinsyano star na si Mark Lapid sa paghahain ng COC.

Bago ito, naghain din ng kanyang COC si Mark sa Porac, Pampanga para naman sa pagka-alkalde ng nasabing munisipalidad.

Si Mark ay nagsilbing gobernador ng Pampanga mula 2004 hanggang 2007.

Tumatakbo ang mag-ama sa ilalim ng Nationalist People’s Coalition (NPC).


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN