Grace Poe seeks second Senate term

IMAGE Courtesy: @ancalerts on Twitter

Senator Grace Poe files her certificate of candidacy at the COMELEC office with mom Susan Roces.


Naghain na rin ng kanyang certificate of candidacy (COC) si Senator Grace Poe para muling maihalal na senador sa 2019 mid-term elections.

Sinamahan ang senador ng kanyang inang si Susan Roces sa pagsusumite nito ng COC sa Commission on Elections (COMELEC) office sa Intramuros, Manila, ngayong Lunes, October 15.

Si Grace ay tatakbo bilang independent candidate.

Si Senator Poe ay pinapayagan pa ng batas na tumakbo sa ikalawang termino dahil ang posisyon ng pagka-senador ay pinahihintulutan ng Konstitusyon ng dalawang fixed terms na anim na taon.

Tumakbo siya noong 2016 sa pagka-presidente ngunit tinalo siya ng noo’y si Davao City Mayor Rodrigo Duterte.

Ang unang pagkakataong nanilbihan si Grace sa gobyerno ay noong naging chairperson siya ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) mula 2010 hanggang 2012.

Ang kanyang ama ay ang namayapang King of Philippine Movies na si Fernando Poe Jr.


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN