Netizens react to Wowowin contestant who got pregnant at 13 by 30-year-old BF

IMAGE Photo from You Tube (Wowowin)

Wowowin contestant who got pregnant at 13 by 30-year-old boyfriend draws flak from netizens.


Umani ng negatibong reaksiyon mula sa netizens ang kuwento ng isang contestant sa Wowowin na nabuntis sa edad na 13 ng kanyang noo’y 30-anyos na boyfriend.

Itinampok ang teenage mothers na contestants sa “Pera o Kahon” segment ng GMA-7 afternoon game show ni Willie Revillame noong Biyernes, October 12.

Pumukaw ng atensiyon ng netizens ang contestant na nagngangalang Jona, na umaming 13-anyos lang nang siya ay mabuntis.

Maging si Willie ay hindi naitago ang kanyang pagkagulat sa naging karanasan ni Jona sa murang edad.

“Ano ba yun, kapusukan? Na-in love ka?” tanong ni Willie sa contestant.

“Opo,” sagot ni Jona.

Patuloy ng contestant, “Siguro po yun… destined po talaga siguro ako dito.

"Tsaka yung napangasawa ko rin kasi maano, yung edad, malayo po ang agwat.”  

Sa puntong ito, ibinunyag ni Jona na 18 taon ang agwat nila ng kanyang kasintahan.

Kuwento ni Jona, choir member siya habang ang boyfriend niya ay isang lector noong panahong nabuntis siya nito.

FOUR KIDS, BUT STILL NOT MARRIED

Sa ngayon, siyam na taon na raw silang nagsasama at may apat nang anak.

Nang usisain pa ni Willie kung bakit nahulog ang loob niya sa boyfriend, sagot ni Jona, “Maboka po kasi, Kuya Wil.”

Pagkumpirma ni Willie, “So nangyari, nahulog ka, kasi medyo… pilyo… maloko…

“Alam mo kasi ang mga ganyan, yung mapilyo at maloko, at lagi lang tawa nang tawa, hahanap-hanapin mo, e, di ba?”

Inamin din ni Jona na hindi pa sila kasal ng ama ng kanyang mga anak. 

Hirit ni Willie, “O, kita mo iyan, lector, [tapos] ayaw magpakasal.”

Paliwanag ni Jona, “Bata pa po kasi kami nung nagsama po, e.

"Ngayon po, apat na po anak namin. Mahirap na po sa amin para magpakasal."

Kung sakali ay hindi raw kakayanin ng kanilang “budget” ang dagdag na gastusin.  

Katuwiran naman ni Willie, hindi kailangang gumastos nang malaki ni Jona at ng kanyang partner para sila ay makasal.  

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Magkano ba kasal ngayon? Kahit simple lang…

"Merong kasal ng bayan, a? Sumabay na kayo dun, mabasbasan lang kayo," dagdag ni Willie.  

Sa maiksing panayam sa partner ni Jona na si Manny, inilahad nitong dumaan sa maraming pagsubok ang pagsasama nila ni Jona.

“Sa aming barangay, ang daming nagne-negative, kasi siyempre laman ako ng simbahan, 'tapos ganun nga.

“Pero kahit na ganun, pinasok ko yun, haharapin ko, dahil siyempre binata naman ako at malinis naman ang intensiyon ko sa iyo."

Nangako rin si Manny kay Jona na palalakihin nila nang maayos ang kanilang mga anak.

Emosyunal naman si Jona na nagpasalamat sa live-in partner na isa raw responsableng padre de pamilya.

“Salamat kasi sobrang sipag mo. Lahat ng mga raket pinapasok mo—kahit magdya-junk shop.

“Yung mga scrap sa palengke, kahit hatinggabi, tinitiis mo ang baho para lang sa pamilya natin, para sa mga anak natin.

“Maraming-maraming salamat dun.”  

Nagpasalamat din si Jona sa pagmamahal at pang-unawa ng live-in partner.

NETIZENS' REACTIONS

Samantala, maraming netizens ang hindi natuwa sa kuwento ni Jona.

Marami sa mga ito ang pumuna, lalo na sa live-in partner nitong si Manny, dahil menor-de-edad pa lang si Jona nang magsama sila.

Kabilang sa mga mapanghusgang salitang ginamit laban kay Manny ay "manyak, pedophile, predator, at corruption of minor."

Mayroon din namang ilan na nagkomento na huwag manghusga, lalo na ang mga netizen na nagbahaging malayo rin ang agwat ng kanilang nakarelasyon.  

Narito ang ilan sa mga komento ng netizens: 

 

 


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN