Angeline Quinto shuts up bashers claiming she is threatened by Regine Velasquez's transfer to ABS-CBN

IMAGE Noel Orsal

Angeline Quinto replies to netizens who commented that ABS-CBN "neophyte" singers, like her, are threatened by Regine Velasquez's transfer to the Kapamilya network.


Hindi pinalampas ni Angeline Quinto ang akusasyon ng ilang bashers na kinakabahan diumano siya sa napipintong paglipat ni Regine Velasquez sa ABS-CBN.

Nitong weekend, ipinost ni Regine sa kanyang Instagram account ang announcement na magiging parte siya ng pagtatanghal ng Kapamilya Sunday musical-variety show na ASAP sa Sydney, Australia, sa October 20.

Indikasyon itong magiging Kapamilya na nga si Regine pagkatapos ng 20 taong pananatili sa GMA-7.

Sa comments section, isa sa mga bumati kay Regine ay si Angeline, isa sa mainstays ng ASAP.

Sabi ni Angeline, "Magandang umaga po sa aming Reyna... I love you idol."

Pero may ilang netizens na tila tinakot si Angeline sa paglipat ni Regine.

Sabi ng isang basher, “lalo ka nang naging tunog pirated pag nanjan na si miss Reg.”

Hindi naman ito pinalampas ni Angeline.

Buwelta ng 28-anyos na singer, "Mas masarap sa pakiramdam Kiel, na makita mong nasa harapan mo na lahat ng pangarap mo, kesa makagawa ng masama sa kapwa mo.

"Totoo yan. Sana happy ka na. Kasi masayang masaya ako."

May isa ring netizen na tinawag na "plastic" si Angeline.

Komento ng basher, marahil daw ay maraming Kapamilya singers, kabilang na si Angeline, na hindi ikinatutuwa ang paglipat ni Regine sa ABS-CBN dahil mapupunta ang atensiyon ng mga manonood sa Asia's Songbird.

“Be True. If I know all the singers there in channel 2 are annoyed by the transfer of regine as she will be given the spotlight and it will be taken from neophytes in the industry like you. Ha ha ha ha! Don’t be plastic, dear. You might cursing her for all we know.”

Sagot dito ni Angeline, "Hindi naman tayo pareho. Magkaiba naman tayo kung ganyan ang ugali mo hindi naman kami ganyan.

"Saka respeto naman sa post ni Ms. Reg. Dito pa talaga kayo nagse send ng ganyang mga salita. God bless you anyway.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

 


Stories We Are Tracking

Regine breaks silence on forthcoming transfer to ABS-CBN
Regine breaks silence on forthcoming transfer to ABS-CBN
Sharon, Kapamilya stars welcome Regine Velasquez to ABS-CBN
Sharon, Kapamilya stars welcome Regine Velasquez to ABS-CBN
Regine Velasquez attends ABS-CBN Ball 2018
Regine Velasquez attends ABS-CBN Ball 2018
Ogie denies convincing Regine to be a Kapamilya
Ogie denies convincing Regine to be a Kapamilya


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN