Bela Padilla slams basher who called her "laos"

IMAGE Noel Orsa

Bela Padilla tells basher to stop sending her inappropriate messages.


Hindi pinalampas ni Bela Padilla ang paninira ng isang netizen na tinawag siyang "laos."

Ibinahagi ni Bela sa kanyang Instagram Story kagabi, October 15, ang screenshot ng direct message sa kanya ng hindi pinangalanang basher.

Sabi rito, "Magandang umaga Krista! Maganda ka pa sa umaga! Lmao sobrang laos na hahaha hugot nalang hmm good morning! gising ka na ba? Sa Katotohanan."

Inalmahan ni Bela—na ang tunay na pangalan ay Krista Elyse Hidalgo Sullivan—ang pambabatikos ng basher.

Buwelta ng Kapamilya actress, "STOP CREEPING INTO MY DM's. STOP CALLING ME BY MY REAL NAME. STOP SENDING ME INAPPROPRIATE MESSAGES."

 IMAGE @bela Instagram

Taliwas sa mensahe ng basher, nito lang 2018 ay magkasunod ang pelikulang pinagbidahan ni Bela—ang Meet Me in St. Gallen at The Day After Valentine's.

Naiulat na rin sa PEP.ph ang pagtanggap ni Bela ng trabaho bilang line producer at creator ng isang ABS-CBN mini-series.

Bukod dito ay may iba pang nilulutong proyekto si Bela na aktibo rin sa pagsusulat ng mga istorya sa pelikula.

Isa siyang bonafide graduate ng scriptwriting workshop ng batikang manunulat na si Ricky Lee. Nasabi minsan ni Ricky sa PEP editor-in-chief na si Jo-Ann Maglipon na "maraming ideas" at "creative, masipag" si Bela bilang writer.


ABOUT THE AUTHOR

Follow Rachelle Siazon on Twitter: @pinkshi


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN