Sheryl Cruz running for councilor in Manila's second district

IMAGE Courtesy: @nikobaua on Twitter

Actress Sheryl Cruz on why she's running for councilor in Manila: "Kaya kung anumang tulong ang maibibigay ko sa kanila, sa mga mahihirap, sa mga matatanda, sa mga bata, gusto ko naman sa pamamaraan ko naman, paunti-unti, maibigay ko sa kanila."


Sa unang pagkakataon ay papasukin ni Sheryl Cruz ang pulitika.

Ngayong Martes ng hapon, October 16, naghain ng kanyang certificate of candidacy (COC) ang 44-year-old actress para sa pagka-konsehal sa second district ng Maynila.

Sinamahan pa siya ng kanyang ninong na si Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada sa pag-file ng kandidatura.

Ayon kay Sheryl, ilang taon na rin siyang kinukumbinsi ng kanyang mga kakilala ngunit ngayon lamang niya napagdesisyunang pumalaot na sa pulitika.

Sa panayam niya sa media, sinabi ni Sheryl na gusto niyang makatulong sa kanyang mga kababayan sa kinalakihang lugar sa Tirso Cruz Compound sa Gagalangin, Tondo.

Sabi niya, "Maraming beses na akong inuudyok na tumakbo, pero hindi ko naman sinasarado ang doors sa pulitika.

"It’s just that, siguro ngayon mas aware na ako na ito yung mga pangangailangan ng mga taong nakikita ko.

"Gusto kong magsimula dun sa distrito ko kung san nagsimula ang pamilyang Cruz."

Dagdag ni Sheryl, “Kaya kung anumang tulong ang maibibigay ko sa kanila, sa mga mahihirap, sa mga matatanda, sa mga bata, gusto ko naman sa pamamaraan ko naman, paunti-unti, maibigay ko sa kanila."

Si Sheryl ay anak ng yumaong aktor na si Ricky Belmonte at ng dating aktres na si Rosemarie Sonora.

Siya ay pamangkin ni Susan Roces at pinsan ni Senator Grace Poe.

Nagsimula si Sheryl sa larangan ng showbiz bilang child actress.


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN