Carmina Villarroel dismisses possible comparison with Regine Velasquez

IMAGE Noel Orsal

Carmina Villarroel on gaining Regine Velasquez's support in her GMA-7 show Sarap 'Di Ba?: "You know, my heart is just so full. It's just all so positive, all happy thoughts sa gesture ni Ms. Regine." 

 


Aminado si Carmina Villarroel na hindi maiiwasang magkaroon ng iba’t ibang reaksiyon sa pagpalit niya kay Regine Velasquez bilang host ng GMA-7 newly-reformatted show na Sarap ‘Di Ba?

Pahayag ni Carmina, "Let’s not compare because she’s the Songbird. And I’m just a frustrated singer.

"Magkaiba kaming dalawa."

Lalo na’t sa pagkakaalam ni Carmina ay suportado raw ni Regine ang pagpili sa kanya bilang host ng show.

“I heard na when she found out na ako yung susunod sa kanyang yapak bilang Songbird, ang alam ko, she was happy.

“Parang she wanted pa to endorse me. Nung nalaman ko yun, awww... Very thankful naman ako.

“Kasi hindi naman kailangan, pero nag-offer siya. Hindi na nga lang nangyari kasi di na nga nangyari.”

Dating may titulo na Sarap Diva, ang parehong weekly cooking-talk show ay pinangunahan ni Regine bilang host sa loob ng anim na taon hanggang sa huling appearance ng Songbird noong Sabado, October 13. 

Noong September 24 naanunsiyo na si Carmina at ang mga anak niyang sina Mavy at Cassy Legaspi ang papalit kay Regine, matapos magdesisyon ng Asia's Songbird na umalis ng Kapuso Network at lumipat ng ABS-CBN.

Hindi man daw sila nabigyan ng pagkakataong magkausap ni Regine, sapat na kay Carmina ang suportang ipinamalas ni Regine nang i-retweet nito ang promo ng GMA-7 sa bagong show nilang mag-iina.

“Ay, ang saya naman!" nakangiting saad ni Carmina. 

“Kasi makikita mo naman... Siguro hindi naman sila nagkaroon ng  masamang paghihiwalay, e.

“Labas naman ako dun. So, hindi rin ako talaga makapag-react nang mabuti.”

Dagdag pa ni Carmina, “You know, my heart is just so full. It’s just all so positive, all happy thoughts sa gesture ni Ms. Regine.

“Thank you dahil nire-retweet niya. Makikita mo rin naman talaga yung pagmamahal niya sa show. So I’m very thankful.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at piling reporters si Regine sa presscon ng Sarap ‘Di Ba?, sa 17th floor ng GMA Network Center, Quezon City, kagabi, October 16.

Dito nabanggit ni Carmina na mismong mister niyang si Zoren Legaspi ang nag-udyok na tanggapin agad ang proyekto.

“Actually, sa totoo nga po, siya po talaga ang nagsabi sa akin na, 'Hon, tanggapin mo na. Huwag ka nang mag-isip. Tanggapin mo na.'

"So eto, tinanggap ko na. Masunurin naman ako.'" 

Natawa naman si Carmina nang tanungin kung bakit hindi pa isinama si Zoren para buong pamilya na silang hosts ng show.

“Baka naman sabihin nila napakaganid na namin kung pati siya, e, kasama pa dito.

"Pero kung may budget pa, why not? Baka naman. Kasi mas masaya kung pamilya di ba?

"Pero sa ngayon, he's just very thankful."  


ABOUT THE AUTHOR

Follow Rachelle Siazon on Twitter: @pinkshi


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN