Bong Revilla, Jiggy Manicad eye senate posts in 2019

IMAGE File / Courtesy: @PhilippineStar on Twitter / Noel Orsal

Bong Revilla (left) is eyeing a senate comeback while ex-GMA anchor Jiggy Manicad (center) is trying his luck in politics under Hugpong ng Pagbabago (HNP). Meanwhile, Vice Governor Daniel Fernando (right) is seeking Bulacan's highest post in 2019. 


Kahit nakapiit pa sa Camp Crame, nag-file ng kanyang kandidatura bilang senador ang aktor at dating senador na si Bong Revilla.

Inihain ng misis ni Bong na si Bacoor City Mayor Lani Mercado ang kanyang certificate of candidacy (COC) sa tanggapan ng Commission on Elections (COMELEC) sa Intramuros, Manila, ngayong Miyerkules, October 17.

Sa binasang pahayag ni Mayor Lani sa media, sinabi ni Bong na kahit nasa piitan siya ay hindi siya magpapatinag sa pagsilbi sa kanyang mga kababayan.

Aniya, "Muli akong humaharap sa taong bayan para minsan pa ako’y inyong pagtiwalaan.

"Kakandidato ako bilang senador sa eleksiyon ng susunod na taon upang maging kaisa ng pamahalaan sa paglutas ng mga problema ng ating bansa.

“Kinulong man nila ako, hindi nila makukulong ang aking puso, diwa, at pagmamahal sa bayan.”

Nakakulong si Bong dahil sa kasong plunder mula pa noong 2014.

JIGGY MANICAD

Pormal na ring naghain ng kanyang certificate of candidacy (COC) bilang senador ang dating GMA News anchor at senior reporter na si Jiggy Manicad.

Tatakbo si Jiggy sa ilalim ng partidong Hugpong ng Pagbabago (HNP).

Ayon sa ipinadalang pahayag ni Jiggy sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), tututukan daw niya ang problema sa mga pangunahing pangangailangan ng tao, pagsasaayos ng kalagayan ng overseas foreign workers (OFWs) sa mga bansang kanilang pinagtatrabahuan, nasyonalismo, at cultural revolution.

Dagdag pa niya, “Cultural Revolt, i-exempt sa taxes ang composer/producers na gagawa ng OPM, at bayani movies.

"Magkaroon ng grants para mas mapalaganap ng CCP, NCCA ang ganitong klaseng pelikula nang makilala natin ang mga sarili natin.

"Iorganisa ang mga TV networks, magkaroon ng culture hour, 1 hour a week para sa makabayang palabas, so sa ilang networks, marami tayong maiipon at maku-compile para makilala natin ang kabayanihan at dugong Pilipino.”

LOCAL POSITIONS

Sa Bulacan, kakandidato sa pagka-gobernador si Vice Governor Daniel Fernando.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nasa ikatlong termino na siya bilang bise gobernador ng Bulacan.

Tatakbo ring muli sa Bulacan bilang reelectionist board member si Alex Castro.

Sa Makati, naghain na rin ng kanyang kandidatura ang singer-comedian na si Rico J. Puno sa pagkakonsehal ng Makati.

Ang incumbent first district representative naman ng Makati na si Congressman Monsour del Rosario ay tatakbong vice mayor sa partido ni former Mayor Junjun Binay na UNA Ang Makati.

Sa Angeles, Pampanga, tatakbo bilang konsehal ang dating aktres na si Maricel Morales; samantalang ang comedian na si Lou Veloso ay tatakbong konsehal sa Manila.


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN