Richard Yap eyes congress seat in Cebu; Baste Duterte to run for vice mayor in Davao City

IMAGE Courtesy: @cebudailynews on Twitter / @jeftupas on Instagram

Actor Richard Yap (left) is seeking congressional post in North District of Cebu, while Mayor Sara Duterte tags along with brother Sebastian "Baste" Duterte (right) when he filed his certificate of candidacy as Davao City vice mayor. 


Tinuldukan na ng aktor na si Richard Yap ang matagal nang balitang sasabak siya sa pulitika.

Sa huling araw ng filing ng certificate of candidacy (COC) ngayong Miyerkules, October 17, naghain ang 51-year-old Kapamilya actor ng kanyang COC para maging kongresista sa North District ng Cebu.

Tatakbo si Richard sa ilalim ng partidong Barug PDP-Laban.

Makakalaban niya ang beteranong pulitiko na si incumbent Congressman Raul del Mar.

Sa huling panayam ng media kay Richard, sinabi ng aktor at negosyante na seryoso niyang pinag-iisipan ang pagtakbo sa kongreso para sa 2019 mid-term elections.

Ngunit sa huli ay napagdesisyunan niyang subukan ang kapalaran sa larangan ng pulitika.

Samantala, matapos ang ilang araw na bulung-bulungan, tinapos na rin ni presidential son at dating TV5 host na si Sebastian “Baste” Duterte ang mga haka-haka na papasukin na rin niya ang pulitika.

Ngayong araw, naghain siya ng kanyang COC sa pagka-vice mayor ng Davao City.

Makaka-tandem niya ang kapatid na si incumbent Davao City Mayor Sara Duterte, na sinamahan pa siya sa kanyang pag-file ng COC.

Tatakbo ang dalawa sa kanilang regional party na Hugpong ng Pagbabago (HNP).


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN