Are Loisa Andalio's cryptic messages intended for Maris Racal?

IMAGE Mark Atienza

Maris Racal (right) reacts to Loisa Andalio's (left) statement that she misses their closeness. The two Kapamilya young stars became housemates and friends in Pinoy Big Brother: All In in 2014.


May pinatatamaan ba si Loisa Andalio sa kanyang cryptic messages sa Twitter?

Ito ang katanungan ng maraming netizens pagkatapos mabasa ang sunud-sunod na tweets ng Kapamilya young actress nitong Martes ng gabi, October 16.

Isa sa mga tweet ni Loisa ay ito: "Minsan kasi namimiss lang natin yung memories pero hindi yung tao."

Walang binanggit na pangalan ang young actress sa kanyang tweets, pero may mga netizen na ikinonekta ito sa reaksiyon ni Maris Racal sa pag-iyak ni Loisa sa panayam nito sa Tonight With Boy Abunda (TWBA) kung saan inamin niyang nami-miss niya ang closeness nila ni Maris.

Sa episode ng TWBA noong October 8, Lunes, kinunan ng reaksiyon ni Boy Abunda si Loisa sa previous statement ni Maris na hindi na raw sila nakakapag-usap dahil sa kanilang busy schedules.

Inamin ni Loisa na napag-usapan nila ni Maris ang kawalan nila ng oras sa isa't isa dahil sa pagkakaroon ng ibang mga kaibigan.

Tanong ni Boy kay Loisa: Nakaramdam ba siya ng pagseselos na may iba nang kaibigan ang kanyang best friend na si Maris?

Sagot ni Loisa, “Medyo. Medyo, kasi hindi naman talaga mawawala, lalo na kapag mahal mo yung best friend mo: ‘Anong nangyari?’ Parang ganun lang.”  

Pagbabahagi pa ni Loisa, nagkikita pa naman sila ni Loisa pero hindi na raw nanumbalik ang kanilang closeness.

Nagkakilala at naging magkaibigan sina Loisa at Maris sa reality show ng ABS-CBN na Pinoy Big Brother: All In noong 2014.

Naiyak si Loisa nang tanungin siya ni Boy kung nami-miss ba niya si Maris.

Saad niya, “Iba pa din yung dati kasi sa PBB. Nag-start kami sa PBB.

"Sabay kaming nangarap. Nag-uusap kami nasa Bahay [ni Kuya] kami sana magkasama [kami] sa teleserye."

MARIS REACTS

Kagabi, October 16, lumabas ang ulat tungkol sa reaksyon ni Maris hinggil sa pag-iyak ni Loisa sa TWBA.

"Kung nami-miss niya [ako], meron namang cell phone. Alam naman niya yung number ko, puwede naman mag-text," sabi ni Maris sa panayam ng ABS-CBN News.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag niya, "Idaan na lang po natin sa personal na touch and sa mature na way of saying things."

Alam naman daw ni Loisa kung paano siya mahahagilap kung gusto siya nitong makausap.  

“Idaan na lang sana sa mas mature na way and kilala namin ang isa’t isa and alam namin kung ano yung totoo," sabi pa ni Maris.

LOISA TWEETS

Ilang oras pagkatapos lumabas ang balita tungkol sa reaksiyon ni Maris, nag-tweet si Loisa at nagpaliwanag sa nangyaring pag-iyak niya sa TWBA.

Aniya, “Umiiyak tayo kasi may namimiss tayo. Pero hindi ibig sabihin nun na gusto natin silang bumalik. #FACT”

Dagdag ni Loisa, “Minsan kasi namimiss lang natin yung memories pero hindi yung tao. #FACT”

“saka minsan maganda din yung hindi na kayo nag tweet ng ganyan, kasi napapatweet din ako eh! #FACT”


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN