Carmina Villarroel: Twins Mavy and Cassy not yet allowed to be in a relationship

IMAGE Noel Orsal

Carmina Villarroel on no-boyfriend/girlfriend rule for kids Mavy (left) and Cassy Legaspi (right): "Puwede namang crush, hanggang dun lang. Hindi mo naman mapipigilan yun, di ba? Pero yung pagbo-boyfriend mapipigilan mo."


Inamin ni Carmina Villarroel, 43, na naging bukas siya sa mga anak na sina Mavy at Cassy Legaspi tungkol sa mga pagkakamali niya sa kanyang buhay pag-ibig noon.

Ito raw ang dahilan kung bakit pinagbawalan ni Carmina ang mga anak na makipagrelasyon kahit na tutuntong na ng 18 years old ang kambal sa 2019. 

Pahayag ng actress-TV host, “Ikinuwento ko naman sa kanila yung buhay ko. Yes, lahat! Wala akong in-edit.

“Kinuwento ko talaga sa kanila. I wanted to be open with them para yung mistakes ko in the past, medyo sana maiwasan.”

Sabay natatawang sabi ni Carmina sa dalagang anak na si Cassy, “Nakakaloka ka na kung hindi ka pa natuto sa akin!

“So yun naman, napag-uusapan namin yung ganun. Pero alam naman nila na hindi pa oras.”

Inihayag ito ni Carmina sa piling entertainment reporters sa media launch ng Sarap ‘Di Ba?, sa 17th Floor GMA Network Center sa Quezon City, kagabi, October 16.  

Aminado raw si Carmina na hindi pa talaga niya tanggap ang ideyang magkaroon ng kani-kanilang kasintahan sina Mavy at Cassy.

Natatawang sabi niya sa sarili, “Mag-let go ka muna, ha? Dyusko, maryosep! Mag-18 na yung kambal.

“Baka dapat meron akong psychologist na kasama. Baka lang po.

"Baka nasa first stage na ako na masyado akong clingy sa kanila."

NO GIRLFRIEND/BOYFRIEND UNTIL 28 YEARS OLD

Kailan niya papayagang makipagrelasyon sina Mavy at Cassy?

Sagot ni Carmina, “Siguro pag mga 30 na sila, puwede na!”

Isang reporter ang humirit na “grabe” naman ang parental rule ni Carmina sa edad kung kailan puwede nang magka-love life ang kambal nila ni Zoren Legaspi.

Sabi ulit ni Carmina, “Grabe ba? O sige, mga 28 okey na.

"Twenty-eight yung boyfriend-girlfriend, ha? Hindi ito asawa, ha?

“Hindi ko pa matanggap, e. Teka muna!”

Nang tanungin kung ano ang reaksiyon nila sa tinuran ng ina, nangingiting sagot lang ni Cassy, “Ha! Oh, wow.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang binatang si Mavy ang mas nangulit sa ina na magandang talakayin ang usaping pag-ibig sa show nilang Sarap ‘Di Ba?.

Ani Mavy, “I think magiging exciting na segment yung topic pag pinalabas yun. Tingnan mo naman yung reaction ni Mom.”

Nandidilat na hirit ni Carmina, “Gusto na ang love life pag-usapan!”

Hirit ni Mavy, “It’s fun! Magiging fun yun… Valentine’s episode!”

Balik-sagot ni Carmina, “Talagang tinugma niyo pa sa Valentine’s Day episode, ha? Nakakaloka itong mga batang ‘to.”

Paniniguro naman ni Cassy, tiwala sila sa judgment ng ina pagdating sa usaping pag-ibig.

Sagot ulit ni Carmina, “Yeah, I trust you also. Alam niyo naman na hindi pa tama, di ba?

"Humanda kayo sa bahay, mag-uusap-usap tayo."

Nakangiting saad ni Cassy, “Family meeting.”

Kumpirma ni Carmina, “Oo, agad-agad!”

"HAVING A CRUSH IS OK" 

Sa huli, nilinaw ni Carmina na puwede namang magka-crush sina Mavy at Cassy.

“Puwede namang crush, hanggang dun lang. Hindi mo naman mapipigilan yun, di ba?

“Pero yung pagbo-boyfriend [or girlfriend], mapipigilan mo.

“Pinag-uusapan naman namin iyang mga iyan. It’s just normal na magkaroon sila ng admiration to others.”


ABOUT THE AUTHOR

Follow Rachelle Siazon on Twitter: @pinkshi


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN