Vic Sotto and Coney Reyes's son Vico seeks Pasig mayoral seat

IMAGE Vico Sotto on Twitter

Vico Sotto, the 29-year-old son of comedian Vic Sotto and actress Coney Reyes, files his COC for mayor of Pasig City.


Nagsumite ng kanyang Certificate of Candidacy (COC) si Vico Sotto, anak nina Vic Sotto at Coney Reyes, sa Pasig City Hall ngayong Miyerkules, October 17โ€”huling araw ng pagsusumite ng COC ng mga nais kumandidato sa 2019 mid-term elections.

Tatakbong mayor ng Pasig City si Vico, 29, sa ilalim ng Aksyon Demokratiko Party List.

Kasama ni Vico na nagtungo sa Commission on Elections Office (Comelec) sa fifth floor ng Pasig City Hall ang kanyang mga magulang.

Makakatapat niya ang reelectionist na si Pasig City Mayor Bobby Eusebio.

Sa loob ng 26 taon, o simula noong 1992, ang mga Eusebio ang may hawak ng mayoralty position sa Pasig.

Taong 2016 nang manalo si Vico bilang councilor ng first district ng Pasig.

JAN MARINI, DAN FERNANDEZ

Nagsimute rin ng kanyang COC ang aktres na si Jan Marini noong Lunes, October 15.

Tatakbo siyang councilor sa District 4 ng Quezon City

Kasama ni Jan ang asawang ย si Gerard Pizzaras at ang kaibigang si Ara Mina nang magtungo sa City Hall ng Quezon City.

Ang actor-politician na si Dan Fernandez at tatakbo naman bilang representative ng first district ng Laguna, na dati na niyang hinawakan mula 2007 hanggang 2016.

Maituturing na batikan si Dan sa pulitika dahil sa kanyang record.

Kasalukuyan siyang nagsisilbing mayor ng Sta. Rosa, Laguna.

Naging vice governor din siya ng probinsiya mula 2001 hanggang 2004.


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN