JC Intal furious with unnamed person who sued him: "Hiyang-hiya naman kami sa 'yo!"

IMAGE @jcintal7 Instagram

JC Intal on unnamed person who took advantage of him: "ikaw na nautangan... ikaw pa ang inereklamo at dinemanda?!"


Nagpakawala ng malamang pahayag ang basketbolistang si JC Intal, 34, hinggil sa isang di pinangalanang personalidad na naghain umano ng reklamo laban sa kanya.

Dismayado raw si JC sa pambabaliktad ng taong may pagkakautang pa umano sa kanya.

Sabi pa ni JC sa kanyang Twitter post noong Lunes, October 15, binigyan niya ng trabaho ang taong ito na ngayon ay idinedemanda siya.

Ngunit hindi binanggit ni JC kung ano mismo ang reklamong inihain nito laban sa kanya.

Inis na pahayag ni JC, "ikaw na nagbigay ng trabaho dun sa tao, ikaw na nautangan, tapos binigyan mo pa ng isa-dalawa-ikatlong pagkakataon, ikaw pa ang inereklamo at dinemanda?!

"buhay nga naman..daming oportunista! hiyang hiya naman kami sayo"

Sinubukan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na hingan ng opisyal na pahayag si JC sa pamamagitan ng pagpapadala ng Instagram direct message sa kanya ngayong araw, October 17.

At press time ay hindi pa sumasagot si JC.

Si JC ay mister ng Kapamilya host na si Bianca Gonzalez.


ABOUT THE AUTHOR

Follow Rachelle Siazon on Twitter: @pinkshi


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN