Ethel Booba takes a swipe at Bong Revilla's candidacy as senator: "Kuha po kayo ng NBI Clearance."

IMAGE Ethel Booba Twitter / @lanirevilla on Instagram

Ethel Booba throws a satirical comment about Bong Revilla's senatorial bid in the 2019 elections. Bong has been detained in PNP Custodial Center since 2014, due to ongoing trial of his plunder case before the Sandiganbayan.


May banat ang comedienne na si Ethel Booba sa paghain ng certificate of candidacy (COC) ni dating Senator Ramon “Bong” Revilla Jr. sa tulong ng misis niyang si Bacoor Mayor Lani Mercado.

Kasalukuyang nakapiit si Bong sa Philippine National Police Custodial Center sa Camp Crame dahil sa kasong plunder, na patuloy pa ring dinidinig sa Sandiganbayan mula pa noong 2014.

Kaya si Lani ang personal na naghain ng COC ni Bong sa tanggapan ng Commission on Elections (Comelec) sa Intramuros, Maynila, ngayong Miyerkules, October 17.


Stories We Are Tracking

Bong Revilla, Jiggy Manicad eye senate posts in 2019
Bong Revilla, Jiggy Manicad eye senate posts in 2019

Patutsada ni Ethel kay Bong, “Kuha po kayo ng NBI Clearance sa counter 6. Charot!”

Ang NBI (National Bureau of Investigation) clearance ay karaniwang requirement sa mga nag-a-apply ng trabaho bilang patunay kung mayroong criminal liabilities ang isang aplikante.

Umani ng suporta mula sa netizens ang tweet na ito ni Ethel.

Anila, kung ang mga ordinaryong mamamayan ay nire-require na kumuha ng NBI clearance, nararapat lamang daw na ganito rin ang gawin ng mga pulitikong nais magsilbi sa bayan.

Narito ang ilan sa tweets ng netizens:


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN