Regine Velasquez says she left GMA-7 on good terms

IMAGE Noel Orsal

Regine Velasquez on bidding goodbye to GMA-7: "Nalungkot din sila, pero alam mo yung mga boss ko doon, naintindihan naman nila."


Halu-halong emosyon ang naramdaman ng Asia’s Songbird na si Regine Velasquez sa unang araw niya bilang Kapamilya kahapon, October 17.

Katunayan, sa press conference niya bilang bagong ABS-CBN contract artist sa Dolphy Theater ay makikita siyang umiiyak, tumatawa, at balik na naman sa pag-iyak.

Ilang beses na raw kasing napurnada ang paglipat niya sa ABS-CBN mula sa GMA Network.

Pagkatapos ng kanyang presscon, pinaunlakan ni Regine ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng isang maiksing eksklusibong panayam.

Nilinaw ng 48-year-old singer/actress/TV host na naging maayos ang kanyang pamamaalam sa istasyong nag-aruga sa kanya sa loob ng 20 taon—ang GMA-7.

Saad niya, “Maganda naman yung pamamaalam ko sa kanila, tsaka binigay ko naman sa kanila yung twenty years ko.

“Nagpaalam ako nang personal, e, kasi dapat lang, kasi nagkaroon naman ng relationship with them.”

Inusisa rin namin kung gaano kasakit ang naging pamamaalam niya sa  management at mga nakatrabaho sa GMA-7, na naging tahanan niya sa loob ng dalawang dekada.

Pahayag ni Regine, “Siyempre mahirap din naman.

"I’ve been with them for twenty years and, you know, I love the people that I worked with there, and nalungkot din sila.

"Pero alam mo, yung mga boss ko doon, naintindihan naman nila."

Sa inilabas na pahayag ng GMA Network, Inc. noong Sabado, October 13, sinabi ng mga namumuno ng istasyon na sinusuportahan nila ang desisyon ni Regine na makasama ang asawang si Ogie Alcasid, na isa na ring Kapamilya.

Sabi ni Regine tungkol dito, “Oo, sinuportahan naman nila ako.

"Tsaka ninong ko nga yun, si Mr. Gozon, ninong ko yun, so na-happy naman ako."

Ang tinutukoy ni Regine ay ang GMA President and Chief Executive Officer na si Atty. Felipe L. Gozon, na ninong din nila ni Ogie sa kasal.

Sa huli, sinabi ni Regine na walang pagsidlan ang kanyang saya ngayong isa na siyang ganap na Kapamilya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Deklara niya, “I’m so… kanina pa ako umiiyak, maga na yung mukha ko. I’m so happy.”


Stories We Are Tracking

Regine apologizes for silence about big switch to ABS-CBN
Regine apologizes for silence about big switch to ABS-CBN
Regine Velasquez declares ABS-CBN as number one station
Regine Velasquez declares ABS-CBN as number one station
GMA-7 issues statement on Regine's transfer to ABS-CBN
GMA-7 issues statement on Regine's transfer to ABS-CBN


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN