Andi Eigenmann reveals what she misses about being in showbiz

IMAGE Noel Orsal

Andi Eigenmann continues to live the island life, as she is now staying in Siargao, Surigao del Norte. Before this, Andi sold most of her possessions and lived in Baler, Aurora, a town also famous for surfing.


Bagamat hindi tuluyang tinalikuran ang showbiz, kapansin-pansin na naging madalang ang acting projects ni Andi Eigenmann magmula nang lisanin nito ang Metro Manila at manirahan una sa Baler, Aurora, at ngayon naman ay sa isla ng Siargao, Surigao del Norte.

Kaya ngayong may bagong pelikula siya, hindi maiwasang tanungin ang aktres kung magtutuluy-tuloy na siya sa muling paggagwa ng mga pelikula o programa sa telebisyon.

“Depende lang po,” sagot ni Andi.

“Ever since naman po, yung last time na tinanong ako ng mga tao about situation ko sa showbiz and filmmaking, hindi naman ako nag-stop on purpose or sobrang tagal bago ako gumawa ng next.

“Hindi ko rin po masasabi kung tuluy-tuloy na.

“Pero kung meron pong offer na susunod po na magaganda, then, that would really be great.

"I wouldn’t say no to that."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Andi sa press conference ng comeback movie niya, ang All Souls Night, sa Sampaguita Compound noong October 16.

Inamin naman ni Andi na hindi dahil sa mapili siya sa mga proyekto kaya inabot ng mahigit isang taon bago siya muling nagkaroon ng showbiz project.

Ang dahilan daw talaga ay wala naman siyang offer na natatanggap.

“Actually, walang offer,” tahasan niyang sagot.

“Akala ko, kinalimutan na ako ng mga tao. 

“Okey lang yun sa akin kasi ako naman ang nag-make ng decision na lumayo.

"Kaya sobrang natuwa ako noong tinawagan ako ni Boss Vincent del Rosario."

Si Vincent ay anak ng big boss ng Viva na si Vic del Rosario.

WHAT SHE MISSES ABOUT SHOWBIZ

Ngayong madalas na sa probinsiya at "living the island life" na si Andi, may mga nami-miss ba siya sa showbiz?

“Dressing up!” natawang sabi niya.

“Looking nice and getting my hair blown-up, it’s really fun. I enjoy it more now.

"Noong nag-aartista pa ako, palaging sinasabi ng mga tao na parang hindi raw ako marunong mag-ayos or napapagalitan ako dahil ang gulo lagi ng hitsura ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Noong mawala ako sa showbiz, doon ko na-realize na innate, because I’m a woman, I’m a girl and it’s fun.”

Bukod sa hilig niya sa dagat, paano ilalarawan ni Andi ang buhay niya sa Siargao?

“Masaya, masarap, tahimik, at saka maraming kaibigan who are just like me, who shares the same value, the same interests that I do. It’s really fun.”

Hindi itinanggi ni Andi na ilan sa mga gamit o naipundar niya ay ibinenta niya nang mas mamalagi na siya sa Baler, 'tapos ay sa Siargao. Isa na rito ay ang sasakyan niya.

“Yeah, I purposely just sold them kasi hindi ko na sila kailangan,” pag-amin niya.

“Pero for example, the jewelry, all the jewelry that came from my mom, yung mga ibinigay niya sa akin, siyempre I will keep that.

“I kept the ones that have sentimental value.” 

Si Andi ay anak ng award-winning actress na si Jaclyn Jose.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN