Andrea Torres renews contract with GMA-7 without demands

IMAGE Noel Orsal

Andrea Torres on renewing her contract with GMA-7: "Parang ano nga, hindi ko na pinag-isipan. Parang text lang, 'O magre-renew ka na ng contract.' Ako, 'Okay!'"


Wala raw naging demands si Andrea Torres nang mag-renew siya ng kanyang network contract sa GMA-7 kamakailan.

Pahayag niya, “Wala, happy ako sa kanila.

“Parang ano nga, hindi ko na pinag-isipan.

"Parang text lang, 'O magre-renew ka na ng contract.' Ako, 'Okay!'”

Biro namin kay Andrea, hindi man lang siya nanghingi ng increase?

Natawang sagot ng Kapuso actress, “Sobrang happy ako sa kanila at saka, grabe rin ang naitulong nila sa akin.

“Yung mga boss ko, natutuwa ako sa kanila.

"Kahit 12 midnight natatawagan ko sila, sasagutin nila. Kahit umiiyak ako.

"May time pa na umiiyak ako, parang 30 minutes yata yun, nakikinig lang ang boss ko.

“Sabi lang ako nang sabi ng mga hinanakit ko.”

Dahil sa sinabi niyang umiyak siya, inusisa tuloy namin si Andrea kung bakit siya umiiyak.

Sagot niya, “Secret!”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters si Andrea sa set visit ng Victor Magtanggol sa Sta. Mesa, Manila, noong Miyerkules, October 17.

SHARING HER LOVE LIFE

Kahit daw tungkol sa love life niya, nakakapag-share si Andrea sa mga boss niya, lalo na sa GMA Artist Center.

Ang tanong: may love life ba siya ngayon?

“Wala nga!” natawang sagot ni Andrea.

Kuwento pa niya tungkol sa mga kaibigang artista, “Kasi, di ba, si Rochelle [Pangilinan], buntis.

"'Tapos si Max [Collins] may Pancho [Magno] na.

"Sabi ko, 'Hala, wala pa ako!' Pero sabi ni Ms. Gigi Santiago-Lara, darating daw yun.”

Si Ms. Gigi ay ang GMA senior assistant vice president for alternative productions

Matagal na ba siyang walang boyfriend?

Ayon kay Andrea, “Matagal na, more than two years na nga yata. 

“E, hindi rin naman ako nakakalabas lately.

"Noon, nakakalabas ako, nakakapag-date ako."

Mula raw nang magsimula siyang muli sa Victor Magtanggol, kunsaan ginagampanan niya ang karakter ni Sif, isang goddess, hindi na raw talaga siya nakakalabas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero ano ang nangyari sa mga dating nakaka-date niya?

“Wala, e, nakapag-date naman ako kaya lang hindi lang nag-swak. Pero friends pa rin naman.

"At least, dumarami ang friends ko."

Biro pa niya, “Sasabihin ko na lang sa GMA [New Year] Countdown, kapag na-guest ako, 'Lord, this is the year!' Hahaha!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN