Mikael Daez, Megan Young plan trip to Iceland in 2019 after wrapping up their teleserye

IMAGE Roge Barrogo

Mikael Daez says working with girlfriend Megan Young made them better actors. The couple star in the Kapuso afternoon serye The Stepdaughters, which will air its final episode today, October 19.


Halos isang taon ding ginawa ng magkasintahang sina Mikael Daez at Megan Young ang Kapuso afternoon drama series na The Stepdaughters, na magtatapos na ngayong Biyernes, October 19.

Dahil may teleseryeng ginagawa, naisantabi muna nila ang travels nilang magkasama sa ibang bansa.

Pahayag ni Mikael, “May mga nasisingit kami, nakapag-Hong Kong kami for the weekend.

"Alam ko, nakapag-book kami ng Iceland for next year. Yun ang malaking trip na hinanda namin."

Hindi kaya sa Iceland na maganap ang pagpu-propose niya kay Megan?

“Maganda siya, e, ano? Pang-proposal.”

Sabay natatawang bawi ng, “Pero wala naman akong sinabi!”

Ang talagang dream destination daw niya ay sa Antarctica. Pero dapat daw, mga dalawang linggo ang ilaan nila sa pagpunta roon.

Natawa si Mikael nang may magsabing sa pag-ibig, wala namang kasiguraduhan.

Sigurado na raw ba talaga si Mikael kay Megan, na walong taon na niyang kasintahan?

Sagot ng Kapuso actor, “Well, in fairness, wala namang kasiguraduhan ang pag-ibig.

"Pero hindi mo naman dapat iniisip kung ano ang puwedeng maling mangyari in the future. Enjoy lang.”

FUTURE LIVING SITUATION

Nakasama ni Mikael si Megan nang pumunta sila ng Paris, France sa kasal ng kapatid niya. Doon daw na-meet halos lahat ni Megan ang pamilya niya.

Kumusta si Megan sa pamilya ni Mikael?

“Wala, para na siyang ano, member ng pamilya.

"At saka, relax-relax lang this year. Very thankful talaga ako this year. 

“It’s a work year, ang daming trabaho, ang dami rin nangyari. We got our first endorsement together.”

Sabi nga namin kay Mikael, huwag namang mangyari, pero kung sakali at hindi pala sila magkatuluyan ni Megan na ngayong malapit na ito sa kanyang pamilya, ano ang nakikita niyang magiging reaksiyon ng mga ito?

“Madi-disappoint sila, siyempre.

"Kumportableng-kumportable na sila kay Megan at ang turing nila kay Megan parang kapatid na rin. They’ll be sad. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi naman siguro sila magagalit sa akin, pero malulungkot sila, for sure.”

Kung sakali man daw na magpapakasal sila at magsasama na sa isang bubong, napag-usapan na raw nila ni Megan na condo-living ang gusto nila.

Katuwiran ni Mikael, “Ang hirap mag-manage ng house.

“Okay siguro ang first five years, first ten years kapag bago.

"Pero siyempre, lubog ka naman sa utang kasi ang mahal. Pero yung next 10, 15 years, maintenance naman.

“Alam niyo kung bakit? Ako ang nag-aasikaso sa bahay ng mommy ko, which is 28 years already.

“Grabe yung maintenance.”

WORKING WITH MEGAN

Inabot ng sampung buwan ang pag-ere ng The Stepdaughters kaya masayang-masaya si Mikael sa naging tagumpay nito, lalo na't unang teleserye nila ito ni Megan.

“Alam niyo, wala kaming problema.

"Yung iba yatang magdyowa, e, nahihirapan yata o ayaw yata nila.

"Pero kami, okay kami," sabi ni Mikael sa pagsasama nila ni Megan sa trabaho.

Biro pa ng 30-year-old actor, “Mas naiinis yata si Katrina Halili sa aming dalawa, e.

"Inaasar namin siya palagi na kailangan na niya ng dyowa."

Ano ang mga naging realization niya sa pagsasama nila ni Megan sa trabaho?

Ayon kay Mikael, “Ang naging realization namin ay puwede kaming magtrabaho kahit mahaba ang teleserye.

“It’s a zero problem and I can honestly say, I became a better person and actor dahil kasama ko siya.

"At masasabi ko rin confidently na she became a better person and actor dahil katrabaho niya ako.

“Kasi, nagtutulungan kami at maganda ang usapan kahit after taping.

"Pag-uwi namin, pinag-uusapan namin ang mga eksena namin. Na sana ito ang ginawa natin, or okay ang ginawa natin dito.

"So, ang laking bagay talaga.”

Patuloy niya, “And ako kasi, I like my work. Gusto ko na ina-analyze ko. Nag-i-improve ako and same with her. 

“Ang biggest take ko talaga is okay kaming magkatrabaho and I want to do a movie with her, kahit na indie film.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN