Sheena Halili speaks up about Juancho Trivino, Arjo Atayde being linked to Maine Mendoza

IMAGE Sheena Halili Instagram

Sheena Halili on Juancho Trivino and Arjo Atayde: "Mga kaibigan sila ni Maine and hindi nila deserve yung masasakit na salitang ibinabato sa kanila."


Nilinaw ni Sheena Halili ang usap-usapang may namamagitan diumano sa mga kaibigan niyang sina Maine Mendoza at Juancho Trivino.

Nagkasama ang tatlo sa dating primetime series ng GMA-7 na Destined To Be Yours (2017), kung saan bida sina Maine at Alden Richards, at mula noon ay naging matalik na silang magkaibigan.

Pahayag ni Sheena tungkol sa pagkaka-link nina Maine at Juancho, "Nakakaloka nga ang mga isyung naglalabasan!

“Kasi ang totoo naman talaga, magkaibigan sila, magkakaibigan kami."

Nahihiya na nga raw sila kay Maine dahil paminsan-minsan lang nila ito sinasamahan sa paglabas ay nabibigyan pa ng masamang kahulugan.

"Na, as super minsan lang namin sinamahan, pero ayun, ginawan pa ng isyu. Pero wala naman talagang isyu," diin ng Kapuso actress.

Ayon pa kay Sheena, wala namang masama kung maugnay sa isa't isa sina Maine at Juancho dahil mabait naman daw ang Kapuso actor, na kung i-describe niya ay "bondying."

"Kasi parang baby yun, ang laking tao, pero baby!" natatawa niyang sabi.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Sheena sa taping ng Victor Magtanggol sa Sta. Ana Elementary School, Miyerkules ng gabi, October 17.


Stories We Are Tracking

Juancho replies to basher over issue with Maine, Alden
Juancho replies to basher over issue with Maine, Alden
Archie Alemania draws flak for linking Juancho to Maine
Archie Alemania draws flak for linking Juancho to Maine
Juancho Trivino denies courting Maine Mendoza
Juancho Trivino denies courting Maine Mendoza
Juancho Trivino admits,
Juancho Trivino admits, "Yeah, Maine is special."

ARJO ATAYDE

Sa pagkakaalam ni Sheena ay wala ring anumang namamagitan kina Maine at Arjo Atayde, na bagong nali-link kay Maine ngayon.

Namataan kasi kamakailan sina Maine at Arjo na kumakain sa isang restaurant sa Makati City.

Sabi ni Sheena, "Sa pagkakaalam ko, may work sila together, may movie sila para sa MMFF."

Leading lady si Maine sa 2018 Metro Manila Film Festival entry na Jack Em Popoy: The Puliscredibles, na pinagbibidahan din nina Vic Sotto at Coco Martin.

Kasama rin sa cast si Arjo.

Ayon kay Sheena, hindi pa niya gaanong ka-close si Arjo pero nakikita naman niyang mabuting tao ito.

"Kaibigan ko yung sister niya, si Ria, magkasama kami sa movie."

Ang ABS-CBN artist na si Ria Atayde ay nakababatang kapatid ni Arjo at kasama ni Sheena sa isa pang MMMFF 2018 entry, ang Girl In The Orange Dress, na pagbibidahan ni Jessy Mendiola.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dahil buhay na buhay pa rin ang AlDub Nation, na fans nina Alden at Maine, ay umaani ng pamba-bash sina Juancho at Arjo dahil sa pagkaka-link ng mga ito kay Maine.

"Nababasa ko nga, minsan tina-tag pa ako,” sabi ni Sheena

"Nakakaloka lang na nakakatawa kasi wala namang reason para i-bash silang dalawa kasi mga kaibigan lang naman sila ni Maine.

“Friendly lang naman talaga si Maine sa lahat kaya sana naman huwag nilang i-bash sina Juancho at Arjo, kawawa naman sila.

"Mga kaibigan sila ni Maine and hindi nila deserve yung masasakit na salitang ibinabato sa kanila."


Stories We Are Tracking

Maine Mendoza, Arjo Atayde spotted at Makati resto
Maine Mendoza, Arjo Atayde spotted at Makati resto

MR. PERFECT

Samantala, “perfect” kung i-describe ni Sheena ang Victor Magtanggol lead star na si Alden Richards.

"Alam mo yung wala kang maibubutas sa kanya, wala kang maipipintas?

"Napakabait na tao, mabait siya sa lahat.

"And napakaseryoso sa trabaho niya, mahal na mahal niya ang trabaho niya kaya naman napaka-successful niya," papuri niya sa Kapuso actor.

Nang tanungin naman kung sino sa tatlo—Juancho, Arjo, at Alden—ang pinakaboto siya para sa kaibigang si Maine, umiwas si Sheena.

"Ayan tayo, e! Sabi ko na nga ba itatanong mo iyan.

"Ayoko, ayokong sagutin iyan!" natatawang sabi ni Sheena.

Matalik na magkaibigan man daw sila ni Maine ay hindi siya nakikialam sa personal na buhay nito.

Pahayag ni Sheena, "Ako kasi, pag hindi ka nagkukuwento, hindi kita tatanungin, hihintayin kong kusa kang magkuwento sa akin.

"Ganun din kasi ako sa mga friends ko, pag may something ako, kusa akong magkukuwento, hindi ninyo na ako kailangang tanungin."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN