Andrea Torres sees Alden Richards as friend always, never boyfriend

IMAGE Noel Orsal / Instagram

Andrea Torres and Alden Richards star in the Kapuso fantaserye Victor Magtanggol, but they both started doing commercials. "Friends kaming talaga. Dati pa, nag-i-start pa lang kaming dalawa, palagi naming napag-uusapan yun," she said.


Madalas nakakaeksena ni Andrea Torres si Alden Richards sa Victor Magtanggol, ang fantaseryeng ng GMA-7 na pinagbibidahan ng aktor.

Kumustang katrabaho si Alden?

“Ayun, mabait pa rin,” sagot ni Andrea sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Iisa ang palaging paglalarawan ng cast o nakakasama ni Alden—mabait.

Wala bang pagkakataong nakitaan nila ito na medyo nag-tantrums o nainis o nagpakita ng ibang attitude lalo na't madalas ay pagod?

“Hindi, mabait talaga. Hindi siya nagagalit,” pagpapatunay naman ni Andrea.

“Kaya nga noong nag-uusap kami, sabi niya, paano raw kapag nagkontrabida siya, ano raw kaya ang hitsura niya?

"Sabi ko, parang hindi ko ma-imagine kasi hindi ko pa siya nakikitang beast mode, e."

Kung tutuusin, pareho naman silang single ni Alden at nakikita niya ang mga magagandang katangian nito.

Hindi ba siya naa-attract sa Kapuso actor?

“Friends kaming talaga, e,” mabilis na sagot ni Andrea.

“At saka kaming dalawa yung magkasama noong commercial pa lang, isang telecom commercial.

"Dati pa, nag-i-start pa lang kaming dalawa, palagi naming napag-uusapan yun.

“Nakakatuwa kasi yung mga kasama namin sa commercial na yun, mga artista na rin.”

Isa na raw dito ang Kapamilya star na si Coleen Garcia.

Nakausap ng PEP.ph at iba pang reporters si Andrea sa set visit ng Victor Magtanggol sa Sta. Mesa, Manila, noong Miyerkules, October 17.

PARENTS' INSTINCT

Dahil gusto na rin niyang magkaroon ng bagong love life, may mga hinahanap na ba siya ngayon sa lalaking magugustuhan, lalo na pagkatapos ng napabalitang relasyon nila noon ni Sef Cadayona?

“Sif na! Sif!” ang natatawang pagtatama ni Andrea, na ang tinutukoy ay ang pangalan ng karakter niya sa Victor Magtanggol.

Patuloy ni Andrea, “Hindi naman ako choosy kapag nagbo-boyfriend. Gusto ko lang yung gusto ng parents ko.

“At saka, yung maiintindihan yung work ko.

“Medyo ano ako pagdating sa work, naka-focus talaga, e.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dapat aprubado ng mga magulang niya ang magugustuhan niya?

“Oo, dapat approve sa kanila.”

Paano kung na-in love siya pero hindi gusto ng mga magulang niya para sa kanya?

“Ay, huwag na yun, mahirap yung ganun.”

Hindi niya ipaglalaban sa mga magulang niya kung mahal naman niyang talaga?

Natatawang sabi ni Andrea, “Ay, na-try na natin iyan!

“Naniniwala kasi ako sa mother’s instinct at saka sa father’s instinct.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN