Regine Velasquez muses on what Mang Gerry would say about her transfer to ABS-CBN

IMAGE Noel Orsal

Regine Velasquez on late father Gerardo "Mang Gerry" Velasquez: "Konti lang sinasabi nung tao na yun, e... 'Ikaw bahala ka, pero kung gagawin mo 'yan, dapat papaninidigan mo.' E, kung buhay siya, I think he'll tell me, 'It's about time.'"


Malaking bahagi sa pagiging mang-aawit at pagsikat ni Regine Velasquez ang kanyang namayapang amang si Gerardo “Mang Gerry” Velasquez.

Pumanaw si Mang Gerry noong February 3, 2014 sa edad na 76. 

Sa panayam ni Regine noon pagkatapos ng libing ng ama, sinabi nitong hindi niya narating ang kanyang tagumpay ngayon kung hindi dahil kay Mang Gerry.

Saad niya, "I wouldn’t be who I am if he didn’t train me, if he didn’t believe in me.

"He’s my number one fan.

"Kahit sa defeat, he seems to know how to lift me up."

 IMAGE PEP File

Ngayong lumipat na si Regine sa ABS-CBN mula sa GMA-7, pagkatapos ng dalawang dekada, ano kaya ang sasabihin sa kanya ng ama kung buhay pa ito?

Sagot ng Asia’s Songbird, “He'll probably say, ‘I’m very proud of you' and 'It’s about time.’”

Kuwento pa niya, “Kilalang kilala ko yung tatay ko, e.

"Alam mo, ano yun, nakakatawa yun, kilala niya lahat nung mga guards dito noon.

“Oo, kasi kayosi niya yung mga guards, e.

“'Tapos classmate niya si Tita Cory [Vidanes] sa yosi... di nga, nung nag-uumpisa ako.”

Ito ang ikinuwento ni Regine sa kauna-unahang press conference niya bilang ABS-CBN contract star noong Miyerkules, October 17.

Bago ang presscon, pumirma ng dalawang taong kontrata si Regine sa Kapamilya network.


Stories We Are Tracking

Regine Velasquez declares ABS-CBN as number one station
Regine Velasquez declares ABS-CBN as number one station
Regine Velasquez says she left GMA-7 on good terms
Regine Velasquez says she left GMA-7 on good terms
Cacai Velasquez-Mitra reveals factors why Regine left GMA-7
Cacai Velasquez-Mitra reveals factors why Regine left GMA-7
Regine apologizes for silence about big switch to ABS-CBN
Regine apologizes for silence about big switch to ABS-CBN

"DITO KAMI NAG-UMPISA, E.”

Ayon pa sa 48-year-old singer-actress, hindi nakikialam ang kanyang ama noon sa mga ginagawa niyang desiyon.

“Yung tatay ko kasi, hindi yun nangingialam sa desisyon ko, e.

“But I would ask him, lalo na kapag naguguluhan ako, ‘Tama ba?' 'Ito ba puwede ko ba gawin to?’ 'Tama ba?’”

Ang tanging sagot lang daw ng tatay niya sa kanya ay “Ikaw, ikaw.”

“Konti lang sinasabi nung tao na yun, e.

"Ewan ko ba sa tao na yun, napakakonti ng sinasabi, ‘Ikaw, bahala ka, pero kung gagawin mo iyan, dapat papaninidigan mo.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“E, kung buhay siya, I think he’ll tell me, ‘It’s about time.’”

 IMAGE PEP File

Napag-usapan na ba nila ito noong buhay pa si Mang Gerry?

Tugon ni Regine, “Meron na kaming napag-usapan, pero kasi nga, dito kami nag-umpisa, e.

“Kasama ko siya dito nun. Kasama ko siya dito nun nung nag-uumpisa kami, dito sa ABS, siya ang kasama ko noon.

“So, naririnig ko yung boses [niya] na, ‘It’s about time.’”


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN