Zeus Collins laughs off rumors linking him to Vice Ganda

IMAGE Noel Orsal

Zeus Collins quips when asked if he has gay experience: "Wala nga, e, gusto ko nga, e, joke!"


Pinagtatawanan lamang ng Hashtags member na si Zeus Collins ang intrigang nag-uugnay ng kanyang pangalan sa It’s Showtime host na si Vice Ganda.

Sabi ng former Pinoy Big Brother (PBB) 737 housemate, “Hindi ko po alam kasi hindi lang naman po ako ang natsitsismis na ganun.

“Kaya wala, hindi ko rin naman po pinapansin dahil alam naman po namin kung anong totoong nangyayari kapag kami-kami magkasama-sama.”

Bukod kay Zeus, nauugnay rin kay Vice ang kasamahan niya sa Hashtags na si Ronnie Alonte.

Reaksiyon dito ng dancer-actor, “Kaibigan rin, parang kami rin, sinasabihan rin si Ronnie... Lahat kami close.”

Dahil maganda ang katawan at may hitsura rin, hindi maiwasang matanong si Zeus kung dati pa ay palakaibigan na siya sa mga bakla.

Tugon niya, “Bakla, meron, marami.”

Pero hindi raw niya naranasang makipagrelasyon sa mga ito.

“Wala, wala po kasi ano, e, mga kaibigan ko po yung mga yun, 'tsaka mas natutuwa po ako.

“Mas gusto ko pong makasama yung mga ganun, kasi totoong tao, tsaka siyempre masaya kasama lalo na kapag nagbibiruaan, nagdyu-joke.”

Birong sagot naman niya sa tanong kung may experience na siya sa mga bading, “Wala nga, e, gusto ko nga, e... joke!”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilan pang media si Zeus sa press conference ng kanyang The Dance Machine Concert noong Miyerkules, October 17.

THE DANCE MACHINE CONCERT

Excited na ang tinaguriang "God of the Dance Floor" na si Zeus na muling ipakita sa mga tao ang kanyang galing sa pagsasayaw.

Sa November 3 gaganapin ang kanyang The Dance Machine Concert sa SM Skydome, sa Quezon City, kung saan marami raw siyang inihandang production numbers para sa mga manonood.

Makakasama niya sa dance concert sina Dawn Chang, YouTuber Lady Pipay, Ryan Bang, at ang mga kasamahan niya sa Hashtags na sina Nikko Natividad, Paulo Angeles, Jimboy Martin, Charles Kieron, at Jameson Blake.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN