Carmina Villarroel aware she can't shield Mavy, Cassy from showbiz intrigues

IMAGE Noel Orsal

Proud mom Carmina Villarroel on Mavy and Cassy's first foray to showbiz: "So this is a testing ground for them kung sila ba ay para sa showbiz. Following the footsteps ba ng mga magulang or hindi."


Aminado si Carmina Villarroel na mayroon siyang konting nerbiyos ngayong sumabak na rin sa showbiz ang twins nila ni Zoren Legaspi na sina Mavy at Cassy.

Kaya umpisa pa lang ay siniguro na raw nilang mag-asawa na handa ang kambal sa showbiz intrigues.

“Siyempre, meron at meron silang ma-e-encounter na tsismis or bashers ng konti.

“As much as we really want to shield them sa mga ganun, we can only do so much, and that’s not the real world.

“Pag may mga ganyan, head on namin silang kinakausap, ‘Eto ang real world, ha?'

“Lalo na ang showbiz, maraming mga karakter dito na tao. Sa mundo namin, it’s really colorful. Nasa sa iyo na iyan kung paano mo tatanggapin.

“Kung medyo negative, medyo bad vibes—iwas, para iwas gulo ka na.”

Pinaaalalahanan raw ni Carmina sina Mavy at Cassy na mahalagang marunong silang makitungo sa mga katrabaho. 

“Kahit gaano kayo kagaling, kahit gaano kayo kabait, you cannot please everybody.

“Just work hard, be yourself. Magbigay respeto sa lahat ng tao.

“Yun lang naman ang palaging reminder ko sa kanila. Just be kind to everyone. Yun, e.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Carmina sa presscon ng Sarap ‘Di Ba?, sa 17th Floor GMA Network Center, Quezon City, noong Martes, October 16.

ON MAVY, CASSY JOINING SHOWBIZ

Ayon kay Carmina, sina GMA-7 Senior Vice President for Entertainment Lilybeth Rasonable at GMA Artist Center Head Gigi Santiago-Lara ang nagkumbinse sa kanya na mag-artista na sina Mavy at Cassy.

Pagkatapos ay masinsinang kinausap nina Carmina at Zoren ang kambal tungkol sa offer ng GMA-7.

“Yung kalagayan kasi ng mga bata ngayon, nakikita sila through commercials, 'tapos paminsan-minsan naggi-guest sa Eat Bulaga!.

“Sinabi namin na there’s an opportunity, hindi naman ito nabibigay every day, so we really talked about it.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tiwala naman daw ang mag-asawa sa GMA Artist Center lalo pa't ito rin ang talent management ni Zoren.

Patuloy ni Carmina, “Sabi naman ng kambal, ‘Sige, let’s give it a try.'

"Kasi hindi pa talaga nila alam yung real world ng show business. Ang alam lang nila yung pasulput-sulpot.

“Pero yung lahat ng hirap, yung saya ng show business, ngayon pa lang nila mapagdadaanan.

“So this is a testing ground for them kung sila ba ay para sa showbiz. Following the footsteps ba ng mga magulang or hindi.”

KIND-HEARTED TWINS

Base sa makailang-beses na pakikihalubilo ng kambal sa media, kapansin-pansin ang magandang disposisyon ng mga ito.

Nakangiting sabi ni Carmina, “Mababait talaga yung mga anak ko.

“I mean, they’re not perfect, but I have no complaints. Wala na akong mahihingi pa. I hope and I pray na manatili lang silang ganyan.”

Sabi pa raw niya sa mga anak, "Kapag mabait ka sa kapwa mo, iba rin yung balik sa Iyo. 

"Ako yung living example, e. Palagi ko sinasabi sa kanila na because of my dedication and passion sa work, I'm still here. Ganun din kayo kung gugustuhin niyo."

Nine years old si Carmina nang pasukin nito ang showbiz.


Stories We Are Tracking

Carmina: Mavy, Cassy not yet allowed to be in a relationship
Carmina: Mavy, Cassy not yet allowed to be in a relationship
Carmina Villarroel dismisses possible comparison with Regine
Carmina Villarroel dismisses possible comparison with Regine
Mavy, Cassy Legaspi join showbiz as Kapuso stars
Mavy, Cassy Legaspi join showbiz as Kapuso stars


ABOUT THE AUTHOR

Follow Rachelle Siazon on Twitter: @pinkshi


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN