Is Quezon City Mayor Herbert Bautista finally bowing out of politics?

IMAGE Noel Orsal

Quezon City Mayor Herbert Bautista might veer away from politics after 30 years of being a public servant in various elective posts. 


Hindi na nga ba tatakbo sa anumang posisyon sa pulitika si Quezon City (QC) Mayor Herbert Bautista sa darating na 2019 mid-term elections?

Hindi kasi naghain ng kanyang certificate of candidacy (COC) si Mayor Herbert sa kanit ano mang mas mataas na posisyon para sa susunod na halalan.

Nitong mga nakaraang buwan, usap-usapang tatakbo itong senador.

Nauna nang kinumpirma ng kanyang kapatid na si Quezon City fourth district councilor Hero Bautista na tatakbo si Herbert bilang kongresista sa isang distrito ng lungsod.

Ngunit natapos ang filing ng mga certificates of candidacies (COCs) noong nakaraang Miyerkules, October 17, pero walang Herbert na naghain ng kandidatura sa Commision on Elections (COMELEC).

Ayon naman sa Facebook post ng information officer ng Quezon City na si Ares Gutierrez, mukhang hindi raw nangyari ang inaasahan ng lahat ng tao noong huling araw ng paghain ng COC.

Sabi niya sa post, "The picture on my office wall rationalizes what did not happen at 5pm today."

Sinamahan niya ito ng litrato ng alkalde na may quotation mismo ni Herbert kung saan nakasaad, “I want to be remembered as a public official who practically grew up serving the people of Quezon City.”

Ayon naman sa ibang nasulat, nabulilyaso raw ang pagtakbo ni Mayor Herbert bilang kongresista dahil iba ang nabigyan ng certificate of nomination ng kanyang partido.

Pero may pagkakataon pa ring tumakbo si Herbert dahil may ilang linggo pa bago magtapos ang filing naman ng substitution sa mga naghain na ng kanilang COCs.

Ayon naman sa beteranong manunulat na si Jun Nardo na malapit sa alkalde, may balak daw ang isang mayoral candidate na kuning running mate si Herbert sa darating na eleksyon.

Ngunit hindi pa rin daw ito kumpirmado.

Sa lumabas namang ulat sa Inquirer.net, maaring totohanin na raw ni Mayor Herbert ang kanyang desisyong lumayo na sa pulitika upang pagtuunan ng pansin ang kanyang pamilya at personal na buhay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Naglingkod si Mayor Herbert sa lungsod ng Quezon sa loob ng tatlong dekada sa iba’t ibang kapasidad, kabilang na nga ang tatlong termino niya bilang mayor.


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN