Thai online sensation Mader Sitang to star in movie with Vice Ganda?

IMAGE Noel Orsal

Thai online sensation Sitang Buathong, more popularly known as Mader Sitang, was warmly welcomed by her Filipino fans when she arrived in Manila last Friday, October 19. 


Nasa Pilipinas ngayon ang sikat na social media sensation, ang transgender woman mula sa Thailand na si Sitang Buathong, o mas kilala bilang Mader Sitang.

Kilala rin bilang model/endorser at lawyer ang 56 anyos na internet sensation na nagmamay-ari rin ng isang online store sa Thailand.

Dahil sa kanyang kasikatan, hinirang si Mader Sitang bilang isa sa most sought-after product endorsers sa kanyang bansa.

Milyun-milyong views, papuri at paghanga mula sa mga netizen sa buong mundo ang patuloy na inaani ng kanyang viral videos kunsaan sumasayaw siya at naghe-headbang.

Sa mediacon para kay Mader Sitang kahapon, October 19 sa H & H Makeover Salon sa 5th Floor ng The Block sa SM North EDSA, itinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa kanya kung ano ang masasabi niya na ang Miss Universe 2018 ay gaganapin sa Bangkok sa bansang kanyang pinagmulan sa December 17.

Ayon sa YouTube sensation (sa pamamagitan ng isang interpreter dahil hindi siya gaanong nakakapag-English), masaya siya na ang Thailand ang host country ng naturang beauty pageant, kasabay ng pagsasabing nagagandahan siya sa mga Pilipina, at magaganda raw ang mga mata ng mga Pinay.

Pero malungkot rin siya dahil malamang ay nasa Europe siya sa Disyembre para sa isang tour kaya hindi niya mapapanood nang personal ang Miss Universe.

Paborito rin daw niya ang mga Miss Universe winners mula sa Pilipinas, bukod pa sa mga winners mula sa Thailand.

ON ANGELA PONCE'S MISS UNIVERSE BID

Dahil siya mismo ay isang transgender woman, tinanong namin siya kung ano ang komento niya na isa ring transgender woman—si Angela Ponce ng bansang Spain—ang isa sa mga opisyal na kandidata sa Miss Universe ngayong taon.

Sa pamamagitan pa rin ng kanyang interpreter, sinabi ni Mader Sitang na hindi lang dapat pagbasehan ang panlabas o pisikal na anyo ng isang tao.

Maging anuman ang hitsura, ang mas mahalaga raw kay Mader Sitang ay ang kabutihan ng puso ng isang tao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

PH ITINERARY

Habang nasa Pilipinas ay may mga pagtatanghal at meet-and-greet si Mader Sitang ngayong gabi at bukas ng gabi, October 20 & 21, sa Fahrenheit Cafe (10:00 pm) at sa @ One 690 Entertainment (12:00 mn).

Ang Mr. Gay World Philippines 2009 at founder/president ng WEMSAP (Web Marketers Specialist Association of the Philippines, Inc.) na si Wilbert Tolentino ang siyang naging daan sa pagpunta ni Mader Sitang sa Pilipinas

Si Wilbert ay isa ring LGBTQ influencer, at siya rin ang tumatayong international manager ni Mader Sitang sa labas ng Thailand.

ENDORSEMENT

Magiging endorser na rin si Mader Sitang ng H&H Makeover Salon.

Ayon kay Wilbert, maging si Vice Ganda ay magiging endorser din nito.

Pirmahan na lamang raw ng kontrata ang kulang para maging ambassador na rin ng H&H Makeover Salon si Vice Ganda.

Nais raw ni Wilbert na mag-produce ng pelikulang pagsasamahan nina Mader Sitang at Vice Ganda.

Handa raw si Mader Sitang na mag-aral ng wikang Tagalog at English kung sakali.

Samantala, ang sikreto raw ng magandang buhok ni Mader Sitang ay ang paggamit niya ng organic shampoo at conditioner.

FUN FACTS

May asawa na si Mader Sitang.

Labindalawang taon na silang mag-asawa ng kanyang 44 anyos na mister na sa kasalukuyan ay may karamdaman sa puso, kaya hindi ito nakasama kay Mader Sitang sa pagbiyahe patungong Pilipinas.

Sa tanong naman kung sinong international male celebrity ang crush niya, ang sagot ni Mader Sitang ay ang Hollywood actor na si Brad Pitt.

Paborito naman niyang aktres ang Hollywood Superstar na si Julia Roberts.

Kasalukuyang may ginagawang isang horror movie sa Thailand si Mader Sitang.

Mayroon na rin siyang perfume line na ini-launch dito sa Pilipinas.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN