Sheena Halili recalls boyfriend's surprise wedding proposal two months ago

IMAGE Sheena Halili Instagram

Kapuso actress Sheena Halili recalls how her lawyer boyfriend Jeron Manzanero proposed to her last August 26, inside a movie theater at the Promenade, Greenhills, in the presence of both their families and close showbiz friends, including Glaiza de Castro and Rich Asuncion.


Espesyal na araw daw ang August 26 para sa Kapuso actress na si Sheena Halili dahil ito ang araw na nag-propose sa kanya ng kasal ang boyfriend niyang lawyer na si Jeron Manzanero.

Nangyari ito noong nakaraang August, pero hanggang ngayon ay tandang-tanda pa rin daw ni Sheena kung ano ang nangyari noong araw na iyon.

Ayon sa kuwento ni Sheena, niyaya siyang manood ng sine ng matalik niyang kabigang si Glaiza de Castro sa Promenade sa Greenhills.

Si Jeron ay hindi nila kasama dahil nagpaalam ito kay Sheena na meron siyang ibang lakad.

Habang nasa Greenhills sila, nagtaka siya dahil binanggit ni Glaiza na nandun din daw sa area ang kaibigan nilang si Rich Asuncion, kaya niyaya na rin ito ni Glaiza na sumama sa kanilang manood ng sine.

At nang naroroon na silang tatlo sa loob ng sinehan, nagulat na lang daw si Sheena dahil isa sa mga trailers bago ang pelikulang papanoorin nila ay may pamagat na "Kilala Mo Ba Si Jeron?"

Balak nga sana niyang kunan ng litrato ang screen para ipadala sa boyfriend niya dahil Jeron nga ang pangalang nasa theater screen.

Pero laking gulat ni Sheena dahil nasa trailer din sina Glaiza at Maine Mendoza (na close friend rin ni Sheena).

At paglingon niya sa likod niya ay naroon ang pamilya niya at ni Jeron, pati na rin ang mga kaibigan nila.

Maya-maya pa ay lumabas na si Jeron na may dalang singsing at inalok na nga si Sheena ng kasal.

Hindi naiwasan ni Sheena na mapaluha sa gulat at tuwa habang nagsasabi ng "Yes!" sa kasintahan.

 IMAGE @richellasuncion / @mysheenahalili on Instagram

Ayaw na munang i-reveal ni Sheena kung kailan magaganap ang kasalan nila ni Jeron para daw surprise.

May mga nakaplano na kung sinu-sino ang mga ninong at ninang at buong entourage sa kanilang kasal pero ayaw munang i-reveal ni Sheena.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa ngayon ay abala muna si Sheena sa kanyang acting career; kasali siya sa Victor Magtanggol ng GMA kung saan nakausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa taping nito sa Sta. Ana Elementary School nitong nakaraang Miyerkules, October 17.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN