Lani Misalucha looks forward to working with new Kapamilya sister Regine Velasquez

IMAGE Arniel Serato

Lani Misalucha on the prospect of teaming up with new Kapamilya sister Regine Velasquez for ABS-CBN's shows/concerts: "Oo naman, sa tagal naming di nakapagtrabaho as in yung lahat kami, of course, I'm looking forward. 'It's going to be one venue or one avenue for us to be together."


Ngayong pumirma na ng kontrata sa ABS-CBN si Regine Velasquez, inaabangan ng marami kung kailan ito mapapanood na magpe-perform sa isang show gaya ng ASAP kasama ang mga kasabayan niyang singers gaya nina Lani Misalucha, Janno Gibbs at Ogie Alcasid, lalo na nga't pare-pareho na silang nasa Kapamilya network.

Kung si Regine ay pumirma ng exclusive contract sa Kapamilya network noong nakaraang October 17, nag-renew naman ng contract niya sa Star Music si Lani nung nakaraang October 16.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News sa Asia's Nightingale, nagpahayag ng excitement si Lani sa muling pagsasama-sama nilang apat sa isang show.

Pahayag niya, "Oo naman, sa tagal naming di nakapagtrabaho as in yung lahat kami, of course, I'm looking forward.

''It's going to be one venue or one avenue for us to be together.

"I don't know if it's going to happen anytime soon, but who knows?”

Agad na tinanong si Lani kung nakapag-usap na ba sila ni Regine.

Lahad niya, "Magkasama kami, I think mga two weeks ago ba yun? Huling ano ng progrma namin.

''Yun ang huling pagsasama namin at pag-uusap, at magkikita kami uli dito.''

NEW ALBUM

Sa renewal ng contract niya sa Star Music, nagkuwento siya tungkol sa panibagong album na gagawin niya sa naturang recording label.

Ayon kay Lani, iba raw ito sa mga nagawa niyang album dati dahil ire-release din ito internationally.

Bukod sa kanyang bagong album ay isang malaking concert din ang pinaghahandaan ni Lani para sa susunod na taon.

"Since ito nga ang bago naming project, kasi kung naaalala ninyo yung last ko na album, yung Nightingale Returns.

''Koleksyon yun ng mga best love OPM classics, and this time naman, gagawin namin lahat ng songs in English, kasi yung last ko puro in Tagalog.

''This time naman, all in English.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

''Pero siyempre, ang gagawa pa rin ay mga local songwriters, composers.

''Asahan ninyo na ito ay nasa English and this time may bago kaming iu-offer.

''Mas bago, mas current, parang mas young.

"Concert? Magha-Hawaii Five-O na kasi ako. Half century na next year,” pabiro niyang hirit tungkol sa pagiging 50 anyos niya sa 2019.

COLLABORATIONS WITH YOUNGER SINGERS

Isa sa mga tinaguriang icons sa local music industry, willing naman si Lani na makipag-collaborate sa iba pang baguhang mang-aawit na gumagawa na rin ng tatak at pangalan sa music industry.

"Recently nga nagkaroon kami ng concert ni Morisette [Amon].

''At least, nagkatrabaho na kami ni Morisette.

''Matagal na ring plinano yun, mga two years ago na nung i-bring up sa amin yung project na yun, yung management ni Morisette.

''Finally, natuloy na nga nung nakaraang September 22 na ginanap nga sa Solaire.

"I am hoping na magkaroon ako ng collaboration with other young artists para naman makakasama ko naman yung mga nakakabata sa akin.

''I'm looking forward to work with Jonnalyn [Viray], Darren [Espanto], yung mga bata.

"I'm very, very proud of them, they're very good.

''Yun nga, they are making their own niche in the business.

''The likes of KZ, gustung-gusto ko si KZ.

''Mayroon siyang sariling brand, sariling style of singing.

''Iba ang boses niya, iba ang style niya, very anti-formula.

''Yun ang nakakatuwa sa kanya, talagang gumagawa siya ng sarili niya," pagpuri niya.

ADVICE TO YOUNG SINGERS

Sa huli ay nagbigay ng payo si Lani sa mga baguhang singers na karamihan ay umiidolo sa kanya.

"Siguro talagang maging unique lang, mag stand out talaga sila being unique and different with the style of singing.

''Siguro yung choice of songs din na kakantahin nila," payo niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN