Kim Chiu still ecstatic over unexpected acting award

IMAGE Noel Orsal

Kim Chiu still feels ecstatic after her unexpected Best Single Performance by an Actress award at the recent 32nd PMPC Star Awards for TV: "Ang saya, ang sarap pala ng feeling. First tine kong nakatanggap ng ganitong award."


Memorable para kay Kim Chiu ang pagkakapanalo niya ng Best Single Performance By An Actress award sa katatapos lang na 32nd PMPC Star Awards for TV na ginanap sa Henry Lee Irwin Theater nung nakaraang October 14.

Ito ay para sa kanyang guest appearance sa 4th anniversary episode ng Ipaglaban Mo, na nanalo rin ng Best Drama Anthology award noong gabing iyon.

Ayon kay Kim, ito raw ang kauna-unahang award na kumilala sa husay niya sa pag-arte.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News kay Kim, overwhelmed ang aktres sa natanggap na pagkilala sa kanya.

Lahad niya, "Ang saya, ang sarap pala ng feeling.

“First tine kong nakatanggap ng ganitong award.

"Masaya! With the support of Ipaglaban Mo team, sobrang happy ako.

“First time ko nag-Ipaglaban Mo, it's my super first time and it's their 4th year anniversary.”

UNEXPECTED

Pagkukuwento sa amin ni Kim, di niya inasahan ang natanggap na award kaya nagulat siya nang tinawag ang pangalan niya.

Dagdag niya, "Nagulat ako, di nila ako pinapauwi.

“Kasi tumanggap lang ako ng Hall of Famer award for ASAP, 'tapos mayroon pa raw spiels or something.

“Maya-maya, 'Kim, ikaw na,' 'tapos tinawag ang pangalan ko. 'Tapos, nakita ko pa sila [fans]."

MMFF ENTRY

Pasok ang pelikulang One Great Love nila Kim at Dennis Trillo bilang isa sa entries sa 2018 Metro Manila Film Festival.

Masaya ang aktres na napasama sila sa nasabing film festival na inaabangan ng mga Filipino tuwing Pasko.

Aniya, "Yes, sa araw.ng Pasko, regalo na lang ninyo sa akin.

“Isamg napakagandang pelikula from Regal Films.

"Kinakabahan pero pinagdarasal na sana makapasok since maraming entry yung nagpasa ngayon nga raw this year.

“Masaya naman na nung time na in-announce yun, sobrang happy and excited ako.”

May bali-balitang matured at may pagka-daring ang tema ng One Great Love.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Puring-puri ni Kim ang mga kasama sa pelikula.

Pagmamalaki niya, "Matured siya, it's about love and sa mga ka-edaran ko na di pa kinakasal.

''Si Dennis, sobrang tahimik siya pero magaling siya.

“Actually, both si JC [de Vera] at si Dennis, sobrang galing, 'tapos si Direk Erik Quizon ang direktor namin.

“Magandang materyal, panoorin niyo na lang sa araw ng Pasko.”

LOVE LIFE

Tahimik at masaya ang tinatakbo ng relasyon ni Kim at ng kasintahan niyang si Xian Lim, kahit na wala na sa bakuran ng ABS-CBN ang dating kapareha.

“Okay naman, happy.

“May movie siya ngayon, yung Love Story na siya ang nagdirek din,” pagtatapos niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN