Jasmine Curtis Smith on getting more acting accolades compared to sister Anne: "May strength din siya."

IMAGE Noel Orsal

Jasmine Curtis-Smith on getting more acting acclaim compared to sister Anne Curtis: "May strength ako, may strength din siya. Flattered lang ako na yun yung nakikitang strength ng tao sa akin."


Ano ang reaksyon ni Jasmine Curtis-Smith kapag sinasabing mas aktres siya kaysa kapatid niyang si Anne Curtis?

“I’m flattered to hear that, kasi I know I can say that’s one of my strengths.

“But I can also say na the one thing that I don’t have that my sister has, is that mas may charm siya.

“That’s why she’s Asia’s Sweetheart or Philippine Sweetheart, kasi mas kaya niyang maabot yung masa.

“Yung personality niya mas kumbaga nakaka-engganyo sa tao.

“So that’s something that’s… hindi mo siya mapag-aaralan, e.

“Innate na yun sa ‘yo, mas siya talaga yun,” paglinaw niya.

Sabi namin sa kanya, innate rin naman ang acting talent.

“Well, that’s true, puwede mo naman i-workshop,” pag-amin niya.

Biro namin kay Jasmine, bawian na lang niya ang ate Anne niya sa acting trophies.

Aniya, “Dun na lang ako bumabawi, habang siya marami na siyang trophies in her philanthropies and her works as a public figure.

“Kasi ang dami na niyang ano, e... she’s an entertainer, actress, singer, host, chu-chu-chu.”

Pero si Jasmine nga ang mas aktres kaysa kay Anne.

Lahad niya, “Pero kasama na rin yun sa job title niya.

“So, I feel like yun, may strength din ako, may strength din siya.

“Flattered lang ako na yun yung nakikitang strength ng tao sa akin.”

SISTERLY ADVICE

Ano ang best advice ni Jasmine kay Anne?

Pahayag niya, “Ako sa kanya? More of ano, more of personal na, 'Can you rest? Take rest,’ kasi addict siya sa trabaho.”

Tila nga yata hindi nabubuntis si Anne dahil sa sobrang kabisihan nito sa trabaho.

November 2017 ikinasal sina Anne at Erwan Heussaff.

Dagdag niya, “Oo, para may time na magka-family.

“I want her to take more resting days.

“Alam ko namang impossible yun dahil araw-araw ang It’s Showtime.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“But para naman ma-absorb niya yung self niya kahit for one day na hindi Anne Curtis the Star, but just Anne Curtis the wife, Anne Curtis as who she is.

“As a woman, and as a sister, as a daughter, kaka-miss din to spend time with her.”

May best advise rin daw si Anne kay Jasmine.

Pahabol niya, “Siya sa akin, ang advice niya, ‘Relax ka lang.’

“Kasi ano ako e, mabilis ma-tension, ma-anxious, uminit ulo.”

Si Jasmine pala ang ganoon at hindi si Anne.

Ani Jasmine, “Mas kontrolado ko, pero sa ilalim niyan parang ummmmm…

“Gumaganon na ako minsan, pero more than anything is that ano, yung tono kasi ng boses ko, minsan it can come off strong.

“So, ‘Baliin mo lang nang konti, kung kaya mong gawing comedic yang mga sinasabi mo, try mo para yung pagtanggap ng tao dito sa ‘yo, light.’

“Iyon yung na-master niyang charm, oo.

“Which is hinahanap ko pa sa akin.”

Nakausap namin si Jasmine sa presscon ng Pamilya Roces na ginanap noong October 3 sa Prime Hotel sa Quezon City

Bukod kay Jasmine (as Pearl Renacia) ay nasa Pamilya Roces sina Carla Abellana (as Crystal Roces), Rocco Nacino (as Hugo Javellana), Christian Bautista (as Ralph Gomez), Gabbi Garcia (as Jade Roces) at ang mga bagong Kapuso (tulad ni Jasmine) na sina Sophie Albert (as Amber Bolocboc), Shaira Diaz (as Amethyst Roces) at Manolo Pedrosa (Gil Figueroa).

Ito ay sa direksyon ni Joel Lamangan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN