Thea Tolentino balances showbiz and academics

IMAGE Noel Orsal

Thea Tolentino, who is currently taking up Public Administration in Trinity College, on the possibility of pursuing a career in politics: "Puwede po kung itutuloy, pero kung hindi ko po gusto… Masakit po sa ulo."


Pinagsasabay ni Thea Tolentino ang pag-aartista at pag-aaral.

Sa ngayon ay estudyante siya ng kursong Public Administration sa Trinity College sa E. Rodriguez, Quezon City.

Kapag nakatapos siya ay maaari siyang magtrabaho sa gobyerno.

Paglinaw niya, “Huli po yun, huling nasa isip ko yun.

“Kailangan pa pong mag-Masters din, e.

“Pero puwede po for government din talaga.

“Yung mga kaklase ko nga po nagtatrabaho sa Senate.”

Pero hindi ito nagpapahiwatig na maaari siyang sumali sa pulitika balang araw?

Pag-amin niya, “Puwede po kung itutuloy, pero kung hindi ko po gusto…

“Masakit po sa ulo.”

Hindi ba siya nagsasalita nang tapos?

Paliwanag niya, “Actually, kasi nagkaroon kami ng subject na Policy Making last sem, parang sabi ko, ‘Ano ba yan, ang daming kulang sa ganitong barangay,’ ganito-ganyan.

“Parang na-feel ko na parang gusto kong ma-try, kahit yung ganun konsehal.

“Pero ang trabaho, ang daming kailangang gawin, e.

“Yung subject nga na yun, sumasakit na yung ulo ko.

“Pero kaya ko po siya kinuha kasi wala na pong courses din na open,

“Kasi yung K-12 nag-adjust na yung mga schools sa K-12, so wala pong tumatanggap ng first year noon.

“So ang na–suggest po nila sa akin yung special course nga na Public Administration.”

Fourth year si Thea pero hindi pa graduating.

“Hindi pa po, mga two-three semesters pa po ako, kasi hindi po ako makapag-full load, e.”

“Actually, kung magpu-full load po kaya po siya ng two years, kaya siya yata, kasi last year lang po ako nag-start, e.

“First year lang po ako last year, 'tapos fourth year na po ako ngayon.”

Bakit mabilis?

“Kasi po yung course namin hindi siya kasing dami ng kailangan gaya ng mga regular courses.

“Parang wala po kaming first year, second year courses, basta may ganito pong required na subjects, yung majors, 'tapos yung mga NSTP [National Service Training Program], mga History, yun lang po yung mga required.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Plus seventy-two units na minor na kailangan mong tapusin.

“'Tapos ano lang, yung seventy-two units po na yun, bahala po kayo kung ano gusto ninyong kunin, basta kaya.

“And kagaya po nung ginawa ko, nakakuha ako ng for Management, puwede akong kumuha for Law, may gusto nga po akong kunin na subject na under Law e, kasi nandun yung Contracts and Obligations.”

Regular student daw siya at normal ang pagtrato sa kanya sa eskuwelahan although mayroon ding mga nagpapa-picture sa kanya.

Nais raw naman niya talaga na maging ordinaryong estudyante.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Thea sa presscon ng Asawa Ko, Karibal Ko noong October 8 sa 17th Floor ng GMA Network Center.

Ipapalabas ang Asawa Ko, Karibal Ko simula sa Lunes, October 22.

Bukod kay Thea (as Catriona) ay tampok dito sina Kris Bernal as Rachel; Rayver Cruz ay Gavin at Jason Abalos as Nathan.

Kasama rin sa Asawa Ko, Karibal Ko sina Lotlot De Leon as Lupita Santiago; Devon Seron as Maya Santiago; Annalyn Barro as Tina Santos; Caprice Cayetano as Nicole Bravante, bilang anak nina Rachel and Nathan; Jean Saburit as Veronica Bravante; Ricardo Cepeda as Lorenzo Bravante; Maricris Garcia as Allison Bravante; Matthias Rhoads as Daniel Lindberg; at Phil Noble as Mama Krissy.

Ang Asawa Ko, Karibal Ko ay sa direksyon ni Mark Sicat dela Cruz.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN