Jessy Mendiola slams netizen saying her bikini photos too revealing, "nakakasawa na"

IMAGE @senorita_jessy Instagram

Jessy Mendiola on netizen criticizing her for wearing a sexy bikini on the beach: "Di ko alam bawal pala magbikini sa beach?! Hubad agad? Diba pwede nakasaswimsuit lang???" 


Diretsahang tinabla ni Jessy Mendiola ang isang netizen na pinulaan ang bikini photo na ibinahagi ng aktres sa kanyang Instagram account. 

View this post on Instagram

Wish you were here. ❤️

A post shared by Jessy Mendiola (@senorita_jessy) on

Sa comments’ thread sa Instagram ni Jessy kahapon, October 21, komento ng netizen: "Ateng Wala knang ginawa kundi mg hubad hinahinay Lang nakakasawa na.”

Hindi pinalampas ng Kapamilya actress ang pambabatikos ng netizen.

Buwelta ni Jessy, “unfollow ka nalang, madali lang yun!!”

May mga tagasuporta si Jessy ang dumepensa sa kanya at nagsabing “insecure” at “walang guts” mag-bikini ang mga nambabatikos sa aktres.

Sabi naman ni Jessy, “true! Di ko alam bawal pala magbikini sa beach?!

“Hubad agad? Diba pwede nakasaswimsuit lang??? [lauging with tears and monkey with eyes closed emojis]

“Hustisyaaa beeeees!”

NO SUCH THING AS "BANTAY SALAKAY" BOYFRIEND

Pinuntirya ng isa pang netizen ang umano’y pangunguna ng boyfriend ni Jessy na si Luis Manzano sa pag-like at comment sa Instagram posts ng aktres.

Tila mas madalas pa raw kasing “tumatambay” si Luis sa Instagram account ni Jessy kaysa sa sarili nitong photo-sharing app.

Dagdag pa ng netizen, “…bantay sa lakay eh… ang O.A. din minsan..buti at makahinga pa c jessy nyan..”

Iginiit naman ni Jessy na walang problema kung madalas mang mag-comment si Luis sa posts ng dalaga dahil nobyo niya ito.

“sweet nga eh. Kinikilig ako palagi [heart and hug emojis] #lovelovelove”

Kaugnay ito ng caption ni Jessy na nagsasabing “Wish you were here.”

Dito nag-comment si Luis kung sino ang tinutukoy ni Jessy na gusto nitong makasama sa beach. 

Sagot naman ni Jessy, “@luckymanzano “Who do you think? [kiss emoji]”


ABOUT THE AUTHOR

Follow Rachelle Siazon on Twitter: @pinkshi


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN