Is Ria Atayde's Twitter post about dating alluding to Arjo Atayde and Maine Mendoza?

IMAGE Noel Orsal / Jerry Uy

Ria Atayde, sister of Arjo Atayde, posts this crpytic message on Twitter: "If a guy and girl are both single, they should be able to date whoever they want."


Pinag-uusapan sa social media ngayong araw, October 22, ang Twitter post ni Ria Atayde tungkol sa pagdi-date ng dalawang taong single.

Pumukaw ng atensiyon ang post na ito ni Ria dahil nagkataong ngayon ding araw pumutok ang balita tungkol sa pagkakakita sa kuya niyang si Arjo Atayde kasama ang Kapuso star na si Maine Mendoza sa isang bar sa Bonifacio Global City noong Sabado, October 20.


Stories We Are Tracking

Maine Mendoza, Arjo Atayde party at BGC bar: Date night?
Maine Mendoza, Arjo Atayde party at BGC bar: Date night?

Sabi ni Ria sa kanyang tweet ngayong Lunes ng umaga: “If a guy and girl are both single, they should be able to date whoever they want.

“And a genuine sign of support is if you let them, if you accept it and if you become happy for them even if they don’t go for the person you’re rooting for.

“Just my two cents.”

Bagamat walang binanggit na pangalan si Ria, pinaniniwalaang may kinalaman ito sa pagdi-date umano nina Arjo at Maine.

Sinang-ayunan naman ng maraming netizens ang pahayag na ito ni Ria:

Sa pagkakaalam ng publiko, nananatiling single hanggang ngayon si Maine.

Si Arjo naman ay umamin noong April 2018 tungkol sa relasyon nila ng GirlTrends member na si Sammie Rimando.

Ngunit may ilang netizens ang nagsasabing hiwalay na raw ang dalawa.

Ang Twitter status nga kaya ni Ria ang nagpapatunay na single ang kanyang kuya ngayon at nakikipag-date ito ngayon kay Maine?


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN