Alden Richards, Maine Mendoza to AlDub fans: "Hindi pa rin po kayo nawala."

IMAGE @leysam17 Instagram

Maine Mendoza and Alden Richards, nagpasalamat sa AlDub Nation sa pagmamahal at pagsuporta ng mga ito magkasama man o hindi ang dalawa sa kanilang mga proyekto.


Ilang buwan mula nang pansamantalang naghiwalay sa ilang proyekto ang tambalang Alden Richards at Maine Mendoza, muling nagsama ang dalawa at kanilang masugid na mga tagasuporta sa isang fan meet kahapon, October 22.

Dito ay naghayag ng pasasalamat sina Maine at Alden sa walang-sawang suporta ng AlDub Nation tatlong taon mula nang unang nagkatrabaho ang dalawa sa "Kalyeserye" segment ng GMA-7 noontime show na Eat Bulaga!

Lalo na't hindi lingid sa kaalaman ng publiko ang mga pagsubok na pinagdaanan ng tambalan nina Maine at Alden nang magdesisyon silang gumawa ng solo projects ngayong 2018.

Pahayag ni Maine, "Hindi pa rin po kayo nawala. Sumusuporta pa rin kayo. 

"Gusto ko lang mag-thank you sa lahat ng pagmamahal at ibinibigay niyong suporta sa ginagawa namin—may be together or as individuals. Thank you very much."

Tila emosyunal naman si Alden nang ipaabot ang pasasalamat sa pag-intindi ng fans sa mga gusto nilang i-explore ni Maine sa kanilang showbiz career.

"Salamat po sa pananatili niyo sa tabi namin. Sa pagsuporta po sa proyekto naming dalawa ni Maine.

"Masayang-masaya po kami na nakakagawa kami ngayon ng mga bagong bagay.

"Pero ang mas ikinaliligaya namin kasi nandiyan pa rin kayo."

Hindi pa rin daw nakakalimutan ni Alden kung paanong nagbago ang buhay niya mula nang mabuo ang tambalan nila ni Maine.

Bago raw kasi siya napasabak sa Eat Bulaga! noong 2015, "I was really lost, career-wise."

Sabi pa ni Alden sa AlDub fans, "Nung times na malapit na akong mag-give up.

"Gusto ko na lang mag-aral ulit at lumagay sa tahimik...

"Dumating yung opportunity na makapasok ako sa Eat Bulaga! and AlDub happened. You guys happened.

"Masasabi ko po talaga na isang malaking blessing ang AlDub sa buhay ko."

Kasabay nito ang kasiyahan ng AlDub fans na masilayan muli sina Alden at Maine sa labas ng trabaho.

Pati ang pagbeso nina Alden at Maine ay hindi nakaligtas sa fans.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

#ADNHomecoming2018 benefit event

Pinangunahan nina Alden at Maine sa fan meet ang pag-anunsiyo sa bagong batch ng scholars ng ADN Scholarship Drive.

Hinikayat ng dalawa ang kanilang fans na ipagpatuloy ang "bayanihan" upang dumami pa ang kabataang scholars na matulungan nilang magkamit ng edukasyon.

Pagkatapos ng program, parehong ibinahagi nina Alden at Maine ang memorable group photo nila kasama ang AlDub Nation.

"Maraming salamat ADN," sabi sa caption ni Alden sa kanyang Instagram post kagabi.

View this post on Instagram

Maraming salamat ADN. 🙏🏻

A post shared by Alden Richards⚡️ (@aldenrichards02) on

Si Maine ay sa Twitter ibinahagi ang litrato nila nina Alden.

Tweet ng dalaga, "Maraming salamat sa lahat [heart emoji] #ADNHomecoming2018"


Stories We Are Tracking

Maine Mendoza quashes gamitan issue with Alden Richards
Maine Mendoza quashes gamitan issue with Alden Richards
Alden on love team with Maine: Hindi pa po tapos ang AlDub
Alden on love team with Maine: Hindi pa po tapos ang AlDub
A timeline: Memorable reel- and real-life moments of AlDub
A timeline: Memorable reel- and real-life moments of AlDub
Maine to Alden:
Maine to Alden: "You will always have my support."


ABOUT THE AUTHOR

Follow Rachelle Siazon on Twitter: @pinkshi


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN