Marian Rivera opens up about Dingdong Dantes's decision not to run in 2019 due to her pregnancy

IMAGE Noel Orsal

Marian Rivera: "Walang dahilan para pagbanggain kaming dalawa."


Dahil sa pagbubuntis ni Marian Rivera ay nagdesisyon ang kanyang mister na si Dingdong Dantes na huwag nang ituloy ang balak nitong pagtakbo sa 2019 mid-term elections.

Ikinasaya naman ng puso ni Marian ang desisyong ito ni Dingdong.

Pahayag ng Kapuso actress, “Actually, na-touch ako sa asawa ko nang sabihin niya na ang priority niya raw ay ang pamilya niya, especially na buntis ako.

“Gusto niya na palagi siyang nandiyan every time na kakailanganin ko siya.

“So, na-touch naman ako... between yung gusto niyang mangyari para sa bansa na nandiyan din naman, mas ano niya yung 'kailangan mo ako, e.'

Nagkakausap naman daw sila ni Dingdong lalo na pagdating sa mga plano nito.

Hiningan din daw siya ng payo ng mister sa naging desisyon nito.

“Oo naman, nag-uusap naman kami,” sambit ni Marian.

“Basta kahit anong gawin ng asawa ko, susuportahan ko siya dahil ganun ko siya kamahal at ganun ako naniniwala sa kakayahan niya.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at bloggers si Marian sa ginanap na blogcon ng Maxi Peel Zero, kung saan sila ni Maine Mendoza ang endorsers, sa Romulo’s Cafe, Quezon City, noong October 19.

PREGGY MARIAN

Marami ang nagsasabing napakagandang buntis ni Marian sa magiging ikalawang anak nila ni Dingdong.

Sa ngayon, hindi pa sinasabi ng Kapuso actress kung ilang buwan na ang ipinagbubuntis niya,

Natatawang hirit niya, “Basta... basta 2019 lalabas!”

Pero tulad ng pagbubuntis niya sa panganay na anak na si Zia, halos walang nabago kay Marian sa kutis o sa anyo na karaniwang nararanasan ng pregnant women.

Maliit pa rin ang tiyan niya at dalawang buwan na lang ay tapos na ang taon.

“Hayaan niyo na, ibigay niyo na sa akin yun!” natawang reaksiyon niya.

Dahil may girl na sila ni Dingdong, baby boy ba ang gusto nilang maging ikalawang anak?

“Well, depende,” tugon ni Marian.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hinihiling ‘yan ng anak ko every night. Pero okay lang kahit babae.”

May kaibahan ba ang pagbubuntis niya ngayon sa una niya?

“Iba-iba naman kasi ang pagbubuntis. Kay Zia, iba ang kinakain ko, iba ang hinahanap ko. Dito, iba rin, e.

“Well, sabi ko nga, kung may mababago man sa akin ko, okay lang yun. Ganun talaga. That’s the reality.”

Tatlo hanggang apat na anak daw sana ang gusto nila ni Dingdong.

“Ang ideal namin is three, pero kung gawing four, why not, di ba?”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN