Vice Ganda clarifies photos with Imee Marcos; denies being a Marcos endorser

IMAGE @rmology Twitter

Vice Ganda quips: "So dahil sa picture na to supporter na agad ako ni Imee?! Di pa pwedeng supporter ako nung mamang naka puti dun sa likod?! Lol!"


Sinagot ng Kapamilya comedian-TV host na si Vice Ganda ang pambabatikos ng ilan dahil sa kumalat na larawan nila ni Ilocos Norte Governor Imee Marcos.

Kuha ang nasabing larawan sa airport ng Ozamiz City, Misamis Occidental, noong Linggo, Oktubre 21.

Sa Twitter post ng Study of RM ay makikita ang ilang mga larawan nina Vice at Imee habang naglalakad.

Pareho ring may nakasabit na lei sa kanilang mga leeg.

Nakalagay ang caption na ito kalakip ng mga larawan: "Bakit kaya balot na balot si Momshie @vicegandako kasama si Mareng Imee Marcos sa Ozamis City??? The down fall of the unkavogable star! Oh I forgot Vice and Bongbong history back in 2014."

Bago matapos ang gabi ng Lunes, Oktubre 22, nag-post ng magkakasunod na mensahe sa Twitter si Vice upang sagutin ang mga batikos at espekulasyon tungkol sa larawan nila ni Imee.

Bungad ng It's Showtime host, "May mga taong ginagalit ang mga sarili nila dahil sa kasinungalingang pinaniniwalaan nila na sila lang din naman ang may likha!"

Pagkatapos nito ay ipinaliwanag ni Vice kung ano ang ipinunta niya sa Ozamiz.

Itinanggi rin niyang iniendorso niya si Imee, na kakandidato bilang senador sa 2019 mid-term elections.

Saad ni Vice, "Ok para sa mga fans ko na nagtatanong. Wala akong pakelam kung anung iteniraryo ni Imee Marcos sa Ozamis nung nakasabay ko sya sa eroplano.

"Nagpunta ko dun para mang aliw ng mga taga Ozamis City. Di para magendorso ng kahit sinong pulitiko.

"Di ako endorser ng mga Marcos!"

Nagawa pang magbiro ni Vice sa larawan nila ni Imee na binigyan agad ng kulay ng detractors niya.

Aniya, "So dahil sa picture na to supporter na agad ako ni Imee?!

"Di pa pwedeng supporter ako nung mamang naka puti dun sa likod?! Lol!"

May buwelta rin ang Kapamilya box-office star sa pumuna sa kanyang "balot na balot" na suot.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Vice, "At tawang tawa ko sa bakit daw ako balot na balot??? Hahahaha!!!

"Seriously first time nyo bang nakakita ng naka-hoody at nakashades??? Di pwede???

"May dress code ba sa Ozamis City???"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN