Darren Espanto claps back at basher calling him "bakla"

IMAGE Mark Atienza

Darren Espanto addresses gay rumors by engaging in word war with JK Labajo, netizen on Twitter. 


Hindi pinalampas ni Darren Espanto ang isang netizen na tahasang sinabing isa siyang “bakla.”

Ayon sa netizen na may handle na @grbnrlns sa Twitter, “Eh bakla k naman talaga diba?”

Ito ay komento niya sa unang tweet ni Darren tungkol sa namumuong away nila ng kapwa The Voice Kids 2014 finalist na si JK Labajo.

Tugon ng 17-year-old Kapamilya singer sa netizen, “May gender identity issues ka diba? Wag mo akong itulad sa’yo.”

Kalakip ng reply ni Darren ang isang tweet ng nasabing netizen tungkol sa isang online quiz at caption: "yung confused ka na nga sa Gender mo, dumagdag pa tong P*tang*nang to."

Nauna rito, naging mainit ang naging palitan ng mga mensahe nina Darren at JK sa Twitter kahapon, October 22, dahil sa tweet ng huli na nagsasabing, “@Espanto2001 gayness at its finest.”

Paliwanag ni JK, na-hack diumano ang kanyang Twitter at mariin niyang pinabulaanan na siya ang nag-post ng nasabing tweet.

Hinamon naman ni Darren si JK na hanapin ang taong sinasabing nang-hack kay JK upang magkaalamanan kung sino ang totoong bakla.


Stories We Are Tracking

Darren, JK engage in word war over
Darren, JK engage in word war over "gayness" tweet


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN