Loisa Andalio calls rumored boyfriend Ronnie Alonte "beh" on Instagram

IMAGE Courtesy: @iamandalioloisa on Instgaram

Kapamilya stars Ronnie Alonte and Loisa Andalio still mum on real status of their relationship. 


Sinuportahan ni Ronnie Alonte ang album launch ng napapabalitang girlfriend niyang si Loisa Andalio noong Linggo, October 21, sa SM Skydome, sa Quezon City.

Hindi inaasahan ni Loisa na dadalo ang kanyang rumored boyfriend dahil may kasabay itong show sa Pampanga.

Ngunit sorpresang nagpakita ang Hashtags member sa launching na ikinatuwa naman ni Loisa.

Sa Instagram kahapon, October 22, nagpasalamat ang Kapamilya singer-actress kay Ronnie.

Tinawag pa nga niyang “beh” ang rumored boyfriend at nagpasalamat siya sa “love” nito para sa kanya.

Sabi ni Loisa sa kanyang post, “Thank you sa love at effort mo beh, di ko talaga inaasahan...

“Ginawa mong kabilang kanto lang yung Pampanga.

“I love you! thank you! Kaya Pala!”

Matagal nang napapabalitang may espesyal na namamagitan sa dalawa, ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin sila umaamin sa totoong estado ng kanilang relasyon.


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN