Aiko Melendez admits drugs rampant in showbiz

IMAGE @aikomelendez on Instagram

Aiko Melendez wants to set an example to fellow actors by taking a drug test every year.


Nais daw ni Aiko Melendez na maging halimbawa sa kanyang mga kapwa artista kaya naging habit na niya ang pagpapa-drug test.

Ayon pa sa 42-anyos na aktres, talamak ang droga sa industriyang kinabibilangan niya.

Noong nakaraang linggo, ipinost ni Aiko ang larawan ng resulta ng kanyang drug test—negatibo siya sa mga illegal substances.

Caption ni Aiko, “It has always been my yearly habit, to get a drug test. I wanted to set an example to other actors.

"Well, sad truth is Am in industry where drugs are rampant.

"Thank God ang gobyerno naten madaming ginagawa para maiwas tayo sa masamang bisyo.

"Get high with God and not drugs."

Sa comments section, nagtanong ang isang netizen kung ano ang punto ng pagpapa-drug test kung hindi naman gumagamit ng bawal na gamot.

Sundot na tanong pa ng netizen, kung nire-require ba ng mga network na magkaroon ng drug test bago makapagtrabaho.

Sagot dito ni Aiko, “In networks like abs and gma they do random drug tests.

"I posted mine to set an example even so I dont do drugs, I just had myself checked also [smile emoji].”


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN