Thai online sensation Mader Sitang feeds children, unwinds after Philippine shows

IMAGE Noel Orsal

Digital celebrity Mader Sitang unwinds in Manila ang Tagaytay after her Philippine shows. The online sensation had a two-night performance at One 690 Entertainment, and the proceeds went to helping children, says her manager Wilbert Tolentino.


Viral ang pagbabahagi ng blessings sa mga bata ng Thai online sensation at transgender woman na si Mader Sitang noong Oktubre 21, Linggo, sa Brgy. Mariana, Quezon City.

Matapos lamang ang isang oras nang mai-post iyon sa Facebook ay mayroon na itong 134,000 views.

Naka-1.1 million views naman ito matapos ang isang araw, at umabot na sa 3.1 million ang nakapanood ngayong Martes, Oktubre 23.

Dito ay makikitang binibigyan ng pera ni Mader Sitang, na isa ring abugado, ang mga bata pagkatapos makatanggap ng kanilang fastfood meal.

“Ang mga bata ay napakasaya po,” kuwento ni Wilbert Tolentino, ang international manager ni Mader Sitang sa labas ng Pilipinas. 

“Kasi, si Mader Sitang po, yun po talaga ang ano po niya. Kasi, wala po siyang anak kaya mahilig po siya sa bata.

“So, gusto niyang mag-alaga po talaga sa mga bata.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Wilbert nitong Oktubre 22, Lunes ng madaling-araw, sa One 690 Entertainment, Roces Avenue, Quezon City.

Wilbert Tolentino and Mader Sitang
 IMAGE Noel Orsal

Nagkaroon ng dalawang shows si Mader Sitang sa Farenheit Cafe at One 690.

Sinu-sino ang beneficiaries sa kanyang mga palabas?

"Iyon ang unang project, iyong kinita sa lahat ng shows idinonate po doon sa mga bata," sagot ni Wilbert.

"At sa susunod pong project ay balak po naming mag-donate sa HIV victims at sa mga cancer patient po.”

Nabalita before na nag-donate si Mader Sitang sa mga nasalanta ng bagyong Ompong.

“Actually, ano po siya... kasi, since ako po yung manager po niya, so kumbaga, iyan po ang unang entrada ko sa kanya!” bulalas ni Wilbert, Mr. Gay World-Philippines 2009 at founder ng WEMSAP (Web Marketers Specialist Association of the Philippines).

“Na kailangan iyon po ang dapat gawin niya. Kasi yun po ang advocacy ko, tumulong po sa mga tao.

“Since may edad na rin po siya, kumbaga, gusto rin niyang mag-leave ng magandang marka sa LGBT community bago man lang siya tumanda po.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Anong feeling ni Mader Sitang sa mga umaalipusta sa kasyang hitsura, na kesyo mukha siyang "bakulaw," "naaagnas na ang mukha"?

“Yeah, yeah,” pagbuntong-hininga ni Wilbert. “Actually, very judgmental po yung mga tao, pero ang tunay na kagandahan ay hindi po nakikita sa anyo ng tao, kundi sa inner po.”

TOURING THE PHILIPPINES

Ipinasyal ni Wilbert si Mader Sitang sa Intramuros, Luneta at Tagaytay.

“Ipinakita po natin sa kanya ang beautiful spots ng Pilipinas, at para makapag-unwind na rin siya,” lahad ni Wilbert.

“Natutuwa siya kasi, kahit saan siya pumunta, kahit saang sulok siya pumunta, nagsusunuran ang mga tao.

“Kahit pumunta kami sa Mall of Asia, nag-shopping kami, lahat, kinuyog po siya.

“At very grateful, thankful po siya sa mga experience na dito lang po niya naramdaman yung importansiya po niya.

“Kasi, hindi siya pinapansin sa Thailand noong nagti-trending po siya.

"Ngayon po ay ine-expect niya, pagbalik niya sa Thailand ay level up na rin siya.

“At marami pong offer na tumatawag po sa kanya right now.”

Anong pagkaing Pinoy ang na-appreciate ni Mader Sitang?

“Actually, vegetarian po siya. Pero mahilig siya sa sweet.

"So, noong naka-try siya ng halo-halo, at ng sinigang na baboy natin... natutuwa siya kasi yung kuktura natin at yung sa Thailand, hindi nagkakalayo.

"Kasi, yung tao raw rito, tayo raw ay sobrang hospitable.

“Very warm tayo.”

Anong experience sa Pilipinas ang talagang hindi makakalimutan ni Mader Sitang?

“Iyong mga ibinigay ko sa kanyang challenges, tulad ng nasa daanan, pinapa-perform namin siya.

“Nagkakaroon siya ng bonus. Tuwang-tuwa po siya actually.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN