Maja Salvador says no bad blood between her and Angelica Panganiban

IMAGE Ailes Barzagales

Maja Salvador is impressed with Zanjoe Marudo's good hygiene, particularly with his well-groomed feet. "Ibig sabihin nun kung kaya nilang alagaan ang sarili nila, maaalagaan nila yung iba pang tao."


Tumanggap ng pamba-bash ang aktres na si Maja Salvador matapos siyang madawit sa hiwalayan nina Angelica Panganiban at Carlo Aquino noon.

Ito ay matapos aminin ni Angelica sa guesting nila ni Carlo sa Gandang Gabi Vice kamakailan na si Maja ang rason kung bakit nakipag-break sa kanya noon ang ex-boyfriend. 

Sa kabila ng pahayag ni Angelica na hindi dapat sisihin si Maja, lalo't hindi niya ito tinuring na kaaway o karibal, kabi-kabilang masasakit na mga paratang ang ikinabit sa pangalan ng aktres.

Hindi naman daw nagpapaapekto si Maja sa pambabatikos sa kanya ng ibang tao.

Pahayag ng Kapamilya actress, "Hindi umeepek sa akin ang mga bashers, di sila nag-e-exist sa mundo.

"Nasa free country tayo, puwede nilang gawin o sabihin kung ano ang gusto nila.

"At the end of the day, ang importante ay kung paano mo kilala ang sarili mo."

Sumang-ayon din si Maja sa naging pahayag ni Angelica na kahit kailan ay hindi sila nagkaproblemang dalawa.

"Basta wala kaming bad blood ni Angge.

"Bago nga ipalabas yun, nagpalitan pa kami ng messages.

"She explained everything so okay kami."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News kay Maja sa presscon ng bago nilang pelikula ni Zanjoe Marudo, ang To Love Some Buddy.


Stories We Are Tracking

Angelica recalls pain of second breakup with Carlo
Angelica recalls pain of second breakup with Carlo
Did Maja just react to being tagged in CarGel breakup?
Did Maja just react to being tagged in CarGel breakup?
Maja on CarGel breakup in the past:
Maja on CarGel breakup in the past: "Hindi ako third party"

ZANJOE'S FEET

Nakakaramdam ba siya ng pressure dahil kumita ang unang pelikula ng Black Sheep, ang Exes Baggage, na pinagbidahan nina Angelica at Carlo?

Sagot ng dalaga, "Magdarasal kami nang matindi.

"Ako naman, sa lahat naman ng project na ginagawa ko, mapateleserye o pelikula, nandun yung kaba.

"Pero yun na nga, anuman ang maging resulta, ang pinakaimportante sa akin ay makagawa kami ni Zanjoe ng isang relatable na pelikula."

Masaya rin ang karanasan ni Maja sa pagsasama nila ni Zanjoe, na tinatawag niya sa palayaw nitong Z.

Pahayag ng aktres, "Sana hindi ito yung una at huli.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Tulad ng sinabi ko kanina, nakikita ko ang sarili ko sa kanya kung paano magtrabaho na lahat pantay-pantay, walang arti-artista.

"Kahit pagod na, alam niya pa rin makisama."

Anu-ano ang mga na-discover niya kay Zanjoe habang sinu-shoot nila ang pelikula?

"Yung magandang paa ni Zanjoe. Pag nagsu-shooting kami, yun ang una kong tinitingnan sa kanya kasi marami siyang eksena na di naka-shoes.

"Kasi pag nakikita ko si Z, 'ang bango,' may ganun siyang dating sa akin, e.

"'Tapos nung nag-storycon na kami, naka-sandals siya, di ako nakikinig kasi nakatingin ako.

"Dun ko na-discover na, 'Ah, di lang talaga siya mukhang mabango, malinis talaga siya.'

"Naa-appreciate ko yung mga lalaking ganun na alam alagaan ang katawan nila, kahit kuko.

"Ibig sabihin nun, kung kaya nilang alagaan ang sarili nila, maaalagaan nila yung iba pang tao."

Pagkukuwento pa ni Maja, maging siya ay nagulat na may chemistry pala silang dalawa ni Zanjoe.

"Bilang wala namang nagmarkang love team sa akin at kay Z, nakakatuwa na heto bagong tambalan at relatable ang kuwento ng pelikula.

"Siguro abangan ninyo, ako nagulat ako, 'Ay may chemistry pala kami ni Z.'

"Di lang as mag-best friend or as lovers sa pelikula, pero nandun agad yung connection, may magic kaagad.

"First pelikula namin pero kahit wala kaming linyahan o matatamis na eksena, napi-feel ko na parang may magic, may koneksiyon.

"Kaya siguro ganun ako ka-comfortable na gawin lahat ng mga eksena na kailangang gawin."

"DI PILIT."

Single si Zanjoe at wala rin namang boyfriend si Maja, marami tuloy ang nag-aabang kung may tsansang kayang ma-develop o may mabuong higit sa pagkakaibigan sa pagitan nila ng kapareha.

Pahayag ni Maja, "Tulad ng sagot ko dati pag tinanong ako na, 'Kaibigan mo ba si Zanjoe?'

"'Oo kaibigan ko yun,' dahil parehas kaming nasa industriya, parehong artista. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nagkakasama nga kami sa trabaho pero ngayon masasabi ko na totoong kaibigan ko na talaga siya.

"Hindi lang dahil parehas kaming artista pero dahil mas nag-bond kami dito sa pelikula."

Dagdag pa niya, "Mas nakilala ko si Z, kahit papaano nag-open up ako sa kanya ng kung anu-ano, siya din.

"May mga moments na kaming dalawa lang ang nag-uusap sa set namin.

"Sabi ko nga, hindi lang dahil guwapo si Z kaya ka mai-in love.

"Tingnan natin, hindi naman porke't siya si Zanjoe Marudo at nagsama kami sa isang pelikula, dapat akong ma-in love sa kanya."

Sabi pa ng aktres, "May spark na sa pagtratrabaho, pero yung spark na mai-in love ako dahil sa personality niya, at kung ano ang totoong siya.

"Wala kaming relasyon, pero kung anuman ang estado ng friendship namin, masaya kasi hindi pilit. Hindi yung, 'Uy, may pelikula tayo, kailangan dapat close tayo.' Hindi talaga."

Kailan niya nakikita ang sariling magpapakasal at bubuo ng sarili niyang pamilya?

Tugon ni Maja, "Wala. Ako kung darating, darating.

"Lalo na ako, grabe akong mag-work.

"Kung ma-feel ko he's the one talaga. Hindi naman to give up my career, pero kung darating, darating."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN