Former GMA reporter Steve Dailisan gushes over Maine Mendoza's congratulatory message

IMAGE Noel Orsal / Courtesy: @steeevedailisan on Instagram

Now a certified pilot, former GMA News reporter Steve Dailisan gets kilig over Maine Mendoza's message: "Thank you Maine! Hope to fly with you soon."


Sobrang kinilig ang former GMA news reporter na si Steve Dailisan sa ginawang pagbati sa kanya ni Maine Mendoza dahil sa natapos niya ang kanyang pag-aaral bilang piloto.

Sa video na ibinahagi ni Steve sa Instagram, sinabi ni Maine na sana balang-araw ay maisakay siya ni Steve sa eroplano o kaya sa helicopter nang libre.

Mensahe ng 23-year-old Kapuso star, "Hello po sir Steve Dailisan, isa na po kayong ganap na piloto, baka naman maaring makasakay nang libre, pagdating ng panahon, kasama ko ang aking mga BFFs, The Boy and Beauty, congrats po."

Sa caption, sinabi ni Steve na fan talaga siya ng AlDub, ang tambalan nina Maine at Alden Richards sa "Kalyeserye" segment ng Eat Bulaga!

Ayon pa sa dating Kapuso reporter, “Kilig overload! Thank you, Maine! @mainedcm

"Hope to fly with you soon! #certifiedaldubfan #aldubnation #yayadub #aldubforever #aldub #aagbatch39”

Dalawang linggo na ang nakararaan nang mag-post si Steve sa Facebook tungkol sa pagtatapos niya sa kanyang aviation course.

Bahagi pa ng kanyang post, “It’s never too late to follow your dream, reach the sky and be with your stars.

"A Broadcast Journalist, aviation enthusiast, an aspiring Airline Pilot... I am Steeeeeeve Dailisan. Cleared for take-off!”


Stories We Are Tracking

Steve Dailisan: from news reporting to flying planes
Steve Dailisan: from news reporting to flying planes


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN