Jake Zyrus explains calling mom Raquel Pempengco "evil queen"

IMAGE Courtesy: @teamjakezyrus on Twitter

Jake Zyrus on relationship with his family members: "You know what, for how many years, I would've answered you, 'Yes,' but I don't wanna lie... I don't miss the relationship kasi hindi talaga okay yung relationship."


Ipinaliwanag ni Jake Zyrus—dating Charice Pempengco—kung bakit tinawag niyang "evil queen" ang inang si Raquel Pempengco sa kanyang libro na I Am Jake.

Sa kanyang panayam sa TV Patrol na umere noong Lunes, October 22, sinabi nig singer na hindi literal na demonyo ang ibig niyang pakahulugan dito.

“Siyempre, may bad situations talaga, so that certain situation, parang na-compare yung situation na yun sa fairy tale noong time na yun.

“It's not na tinatawag siyang evil queen as a whole.

"It's not like that. Parang hindi siya yung literal…"

Iyon daw ang pagkakaalala ni Jake sa mga pangyayari noong siya ay lumalaki kasama ang ina.

Kailangan din daw niyang sabihin ang totoo sa isinulat na libro.

Saad niya, “Hindi ako puwede magsinungaling o mag-sugarcoat ng stories.

"If you really wanna know my story, then here it is."

Sa libro, inilarawan ni Jake ang bayolenteng pagdidisiplina diumano ni Raquel sa kanya noon.

Gumagamit daw ito ng sapatos, sinturon, at walis tambo sa pananakit sa kanya.

"Mommy often hit me on the head with her high heels.

"This is the reason why my scalp is covered with scars that have formed bumps and valleys on my head," sabi ni Jake sa libro.


Stories We Are Tracking

Jake Zyrus details abuses he suffered from mom in book
Jake Zyrus details abuses he suffered from mom in book
Raquel Pempengco reacts to revelations of Jake Zyrus in book
Raquel Pempengco reacts to revelations of Jake Zyrus in book
Jake Zyrus no regrets divulging family secrets to public
Jake Zyrus no regrets divulging family secrets to public
Raquel Pempengco to give Jake Zyrus lotto prize if she wins
Raquel Pempengco to give Jake Zyrus lotto prize if she wins

“I DON’T MISS THE RELATIONSHIP…”

Ayon pa sa singer, nagbago ang relasyon sa pagitan nilang mag-ina mula nang siya ay maging Jake Zyrus.

Hindi na rin daw niya nabibisita ang kanyang lola na si Tess Relucio at iba pang mga kamag-anak dahil ayaw niyang manumbalik ang sakit na naramdaman noon.

“I know that if I go there, they'd just hurt me emotionally and tell me things na I don't wanna hear anymore,” sabi  ni Jake.

Sino sa kanyang mga kamag-anak ang nami-miss niya?

Tugon nito, “You know what, for how many years, I would've answered you, ‘Yes,’ but I don't wanna lie... I don't miss the relationship kasi hindi talaga okay yung relationship.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN