Alex Gonzaga, Luis Manzano give full support to loved ones running in 2019 elections

IMAGE Noel Orsal / @officialalexsquad Instagram / @realedumanzano Twitter

Alex Gonzaga at Luis Manzano, kusang-loob na ibinigay ang kanilang suporta sa pagkandidato nina Mikee Morada at Edu Manzano sa 2019 elections.


Inamin ni Alex Gonzaga na may kaunti siyang pag-aalangan sa desisyon ng boyfriend na si Mikee Morada na kumandidato bilang konsehal sa Lipa, Batangas.

Pero naging buo raw ang suporta niya kay Mikee nang malamang kakandidato ito sa ilalim ng partido ni Lipa City Representative Vilma Santos.

Sabi ni Alex, “Honestly, I really didn’t support Mikee running for 2019 elections.

“But when I heard it was under Ate Vi’s party, in-approve ko na because I know na si Ate Vi is a very good politician and very well-loved siya, even sa Batangas.

“So nung nalaman ko na under kay Ate Vi, sabi ko, ‘Sige na, okey na.’”

Sineguhandan ni Luis Manzano ang pagsuporta ni Alex kay Mikee.

Ani Luis, “Same thing with my mom. I’m a fan with how my mom is as a public servant.

“And alam ko rin naman ang integridad ni Mikee.

“Alam kong marami silang gustong baguhin ngayon kung saan sila tatakbo man.

"It’s gonna be a very positive outcome."

Sabay na nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sina Alex at Luis pagkatapos nilang ilunsad bilang celebrity endorsers ng Shakey's Salmon Pizza, sa Shakey's restaurant sa Magallanes, Makati City, Martes ng hapon, October 23.

Tulad ng pagsuporta ni Alex kay Mikee, kusang-loob ding ibinigay ni Luis ang suporta sa pagtakbo ng amang si Edu Manzano bilang congressman ng San Juan City sa 2019 elections.

Natatawang biro ni Luis, “So binigyan ko siya ng discounted rate sa mga appearances ko!"

Sabay paglilinaw ng TV host-actor, “Hindi… given naman yun.

“It’s not really about supporting the position. It’s more of supporting the person running for that position.

“And kahit ano pang gawin ni Daddy—mag-artista siya, mag-focus sa business or maging politician—I’ll be there as a son and, this time, as a voter.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ganun din ang ibinibigay kong suporta kay Tito Ralph and kay Mommy.”

Ang tinutukoy ni Luis ay pagiging kongresista ng inang si Vilma at pagiging senador ng stepfather niyang si Ralph Recto.

Hindi ba naisip ni Luis na pasukin na rin ang mundo ng pulitika?

Sagot ng binata, “Dati pa. Three admins pa lang, sinasabi na tatakbo ako.

"Sinasabi, ‘Si Luis tatakbo ng ganito.’ Kaya raw ako tumutulong sa TV dahil tatakbo ako.

“Darating at darating tayo diyan kapag oras na.

“If I believe na kailangan ko tumakbo, pag gusto rin ng mga Batangueño.

“Sige, kung gusto niyo talaga, kung tingin niyo may magagawa ako para sa Batangas, e, di mag-usap tayo.”  


ABOUT THE AUTHOR

Follow Rachelle Siazon on Twitter: @pinkshi


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN