Jake Zyrus talks about marriage plans with girlfriend Shyre Aquino

IMAGE Courtesy: @shyre.xvi on Instagram

Jake Zyrus on girlfriend Shyre Aquino: "She supports me emotionally, sa lahat, sa lahat ng nangyayari, she knows everything. She makes me feel better and she makes me realize na kung ano yung gusto kong pangarap sa isang pamilya."


Ang sandalan daw ngayon ng singer na si Jake Zyrus sa lahat ng kinakaharap niyang problema ay ang girlfriend na si Shyre Aquino.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Jake noong September, naitanong namin sa kanya ang tungkol sa pagpapakasal sa murang edad.

Tugon niya, “No, walang bata-bata sa akin.

"When you know that you're stable in life, and you know that you’re ready, then you can."

Dagdag pa niya, kahit papaano ay napag-uusapan na nila ni Shyre ang kasal.

Mahigit isang taon na ang kanilang relasyon.

Saad ni Jake tungkol sa girlfriend, “She supports me emotionally, sa lahat, sa lahat ng nangyayari, she knows everything.

“She makes me feel better and she makes me realize na kung ano yung gusto kong pangarap sa isang pamilya.”

 IMAGE Courtesy: TV Patrol

Para naman kay Shyre, si Jake na ang "the one" para sa kanya.

Pahayag ng dalaga sa panayam ng TV Patrol ng ABS-CBN noong Lunes, October 22, “I think lahat naman tayo, yun yung gusto natin sa buhay, yung talagang mahanap mo na yung 'the one.'

“Like me, naramdaman ko naman talaga na siya na.”


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN