Ruru Madrid, Bianca Umali spotted in Japan: Are they on?

IMAGE Dairy Darilag / Shaira Luna for YES! Magazine

Bukod sa namataang magkasama sina Bianca Umali at Ruru Madrid sa Japan, kumalat din sa Twitter ang litrato kung saan sinasabing nagpalagay sila ng matching tattoos with rose pattern. Bunsod nito ay mas umugong ang espekulasyong may ugnayan diumano sina Bianca at Ruru.


Bali-balitang patuloy ang diumano'y pausbong na relasyon sa pagitan ng Kapuso stars na sina Ruru Madrid at Bianca Umali.

Ito ay matapos namataang magkasama ang dalawa sa isang restobar sa Nagoya, Japan, noong Lunes, October 22.

Tila iniwasan nina Ruru at Bianca na makunan silang magkasama sa picture, ngunit kapansin-pansing pareho silang may litrato kasama ang isang di kilalang babae roon.

Hindi malinaw kung personal trip o may halong trabaho ang pagpunta ng dalawang Kapuso stars sa Japan.

Nakunan din kasi ng hiwalay na video sina Ruru at Bianca kung saan makikitang nag-perform sila ng kanta sa parehong restobar sa Nagoya, Japan.

Pero nang kumalat sa social media ang Japan photos nina Ruru at Bianca, may ilang netizens ang kinilig at binansagan pa itong β€œfirst out of the country trip” ng rumored couple.

MATCHING TATTOOS?

Hindi maiwasang magkaroon ng espekulasyon sa estado ng relasyon nina Bianca at Ruru, dahil makailang beses na silang namamataang magkasama sa labas ng trabaho mula pa noong August 2018.

Nito lang October 19 ay namataan din ang dalawa sa isang tattoo shop kung saan tila nagpalagay sila ng matching tattoos.

Base pa rin sa Twitter posts ni @ruca2love, nagpalagay si Bianca ng rose stencil tattoo sa kanyang left forearm malapit sa wrist.

Habang si Ruru ay tila hugis rosas din ang ipinalagay na tattoo sa bandang kanan at tagiliran ng kanyang katawan.

DATING HISTORY

Kung saka-sakali, walang balakid kung magkaroon ng relasyon sina Bianca at Ruru dahil pareho silang single.

Ang huling napabalitang karelasyon ni Bianca ay si Miguel Tanfelix.

Ngunit ayon sa ulat ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong Hulyo, usap-usapang nauwi sa hiwalayan ang lihim na relasyon nina Bianca at Miguel dahil diumano sa isyung third party.

Si Ruru ay minsang naugnay kay Asia's Next Top Model 2018 winner Maureen Wroblewitz.

Ngunit parehong itinanggi nina Ruru at Maureeen na may ugnayan sa pagitan nila higit pa sa pagiging casual acquaintances.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Β 


Stories We Are Tracking

Ruru Madrid denies courting Bianca Umali
Ruru Madrid denies courting Bianca Umali
Bianca's cryptic tweets about Miguel, Kyline?
Bianca's cryptic tweets about Miguel, Kyline?


ABOUT THE AUTHOR

Follow Rachelle Siazon on Twitter: @pinkshi


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN