Maine Mendoza tweets about "tamang panahon" amid dating rumors

IMAGE Noel Orsal

Amid speculations about her love life, Maine Mendoza quotes love advice from fictional character Lola Nidora: "Mas masarap ang mga bagay na pinaghihirapan natin... dumating na hindi inaasahan; binabago ang mga buhay natin."


Tila malaman ang tweet ni Maine Mendoza sa pagdating ng "tamang panahon" sa gitna ng mainit na espekulasyon hinggil sa estado ng kanyang love life.

Sa kanyang tweet ngayong Miyerkules, Oktubre 24, binalikan ni Maine ang words of wisdom ng fictional character na si Lola Nidora tungkol sa paghihintay ng takdang panahon para sa dalawang taong umiibig.

Binigyang-diin din ni Maine ang mga salitang "PINIPILIT" at "TAMANG PANAHON," na wari'y nagsasabing mas masarap sa pakiramdam kung kusang dumadating ang isang bagay na nakalaan para sa isang tao. 

Ito ang quote ni Maine mula kay Lola Nidora:

"Mas masarap ang mga bagay na pinaghihirapan natin.. mga bagay na hindi PINIPILIT; hinihintay ang TAMANG PAGKAKATAON; dumating na hindi inaasahan; binabago ang mga buhay natin.” 

Dagdag na caption ni Maine, "Lahat ng bagay may tamang panahon. Happy #AlDubTP3Years, ADN!"  

SEEN WITH ALDEN, ARJO

Tiyempong ngayong araw, October 24, ang ikatlong anibersaryo ng record-holding "Tamang Panahon" concert ng tambalang AlDub o Alden Richards at Yaya Dub, na sumikat sa "Kalyserye" segment ng GMA-7 noontime show, Eat Bulaga! 

Noong October 21 ay nagkaroon ng pagkakataong magkasama sina Alden at Maine sa isang fan meet, ilang buwan mula nang magdesisyon silang magkaroon ng solo projects. 

Ngunit nitong mga nakaraang linggo, usap-usapan din sa social media ang pagkakaugnay ni Maine sa Kapamilya actor na si Arjo Atayde matapos ang dalawang okasyong namataan silang magkasama.

Ang latest ay noong October 20, na sinasabing petsa kung kailan namataan sina Maine at Arjo sa isang bar sa Bonifacio Global City, Taguig City. 

Parehong tikom ang bibig nina Maine at Arjo kung totoong may espesyal na ugnayan sa pagitan nila o naging malapit lang sila matapos magkatrabaho sa Metro Manila Film Festival 2018 entry na Jack Em Popoy: The Puliscredibles.

NO TO "KANEGAHAN"

Pero kung anu't anuman, tila deadma si Maine kung anumang isyung kinasasangkutan niya ngayon. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa kanyang hiwalay na tweet noong umaga ng October 22, ni-repost ni Maine ang isang tweet na mas mabuting manatiling "fresh" kaysa magpaapekto sa "kanegahan" na "binabato ng life." 


Stories We Are Tracking

Alden, Maine to AlDub fans:
Alden, Maine to AlDub fans: "Hindi pa rin po kayo nawala."
Maine reacts to Marian's revelation about her suitors
Maine reacts to Marian's revelation about her suitors
Maine Mendoza, Arjo Atayde party at BGC bar: Date night?
Maine Mendoza, Arjo Atayde party at BGC bar: Date night?
Is Ria Atayde's tweet about dating alluding to Arjo, Maine?
Is Ria Atayde's tweet about dating alluding to Arjo, Maine?


ABOUT THE AUTHOR

Follow Rachelle Siazon on Twitter: @pinkshi


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN