Janine Gutierrez welcomes rumored boyfriend Rayver Cruz to GMA-7

IMAGE @rayvercruz Instagram

Janine Gutierrez on rumored boyfriend Rayver Cruz's first TV series on GMA-7: "I guess yung bidang lalaki kaabang-abang rin... Okay naman daw siya sabi ni mama, mabait naman daw..."


Idinaan ni Janine Gutierrez sa biruan ang pag-welcome sa rumored boyfriend niyang si Rayver Cruz bilang bagong Kapuso. 

Sa kanyang Instagram post noong Lunes, October 22, pasimpleng inihayag ni Janine ang saya sa kaalamang magkatrabaho ang ina niyang si Lotlot de Leon at si Rayver sa GMA-7 afternoon series na Asawa Ko, Karibal Ko

Sabi ni Janine tungkol kay Rayver, "I guess yung bidang lalaki kaabang-abang rin.... Okay naman daw siya sabi ni mama, mabait naman daw...." 

Isa si Rayver sa mga netizen na natatawang napa-comment sa post ni Janine. 

Ani Rayver, "Hahahaha! [laughing with tears emoji] Funny ka ah!"

Balik-sagot ni Janine, "@rayvercruz Ay!!! [monkey with eyes closed emoji] Hello po welcome to GMA [rainbow emojis]"

May isang netizen ang nagtanong kung "pasado" na ba si Rayver kay Lotlot. 

Sagot ni Janine, "Keri naman daw, bumabati naman daw..." 

Pagkatapos ay tuloy pa rin sa pakikipagkulitan si Janine sa ibang netizens na nagtatanong tungkol kay Rayver. 

Sabi naman ni Janine, "pwede daw magartista."

Paano nasabi ni Janine na mabait at puwedeng mag-artista si Rayver? 

Birong saad ng Kapuso actress, "chismis." 

Sa huli ay nagbibirong napa-"oops" si Janine nang may isang netizen ang nag-tweet ng screen shots ng pagbibitaw ng biro ng Victor Magtanggol actress tungkol kay Rayver.  

June 2017 nang inamin ni Rayver na nanliligaw siya kay Janine. 

Hinihinalang magkarelasyon na ang dalawa, base na rin sa pagiging sweet nila sa isa't isa sa kanilang social-media posts. 

Pero hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa opisyal na kinukumpirma nina Janine at Rayver kung ano ang estado ng relasyon nila ngayon.  


Stories We Are Tracking

Lotlot refuses to reveal real score between Janine, Rayver
Lotlot refuses to reveal real score between Janine, Rayver
Rayver Cruz hurt by comments attacking Janine Gutierrez
Rayver Cruz hurt by comments attacking Janine Gutierrez
Janine remembers Star Magic Ball date with Rayver
Janine remembers Star Magic Ball date with Rayver


ABOUT THE AUTHOR

Follow Rachelle Siazon on Twitter: @pinkshi


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN